THIA, tuluyan nang iniwan ang mundo ng pageantry at nag-concentrate na lang sa showbiz
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
EXCITED na at masayang-masaya ang mga fans nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa announcement ng GMA Network na ibabalik ang drama series na Endless Love, ang Korean drama adaptation ng Autumn in My Heart.
Unang ipinalabas sa GMA-7 ang Endless Love noong 2010 na dinirek nina Mac Alejandre at Andoy Ranay at pinagtambalan nga nina Dingdong at Marian.
Kasama nila sa series sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Gabby Eigenmann, Janice de Belen at si Kathryn Bernardo ang gumanap na young Jenny (Marian).
At kaya good news ito sa mga DongYans, dahil napakatagal na nilang hindi napapanood na magkasama sa isang series or movie ang mga idolo nila.
Kahit kasi may offer si Marian mula sa GMA Network, laging hindi natutuloy, tulad noong ipagbuntis ni Marian ang second child nila ni Dingdong na si Sixto.
At matapos namang mabuo ang casting ng First Yaya na dapat ay first team-up naman nina Marian at Gabby Concepcion, nagkaroon naman tayo na pandemic kaya walang nagawa si Marian kundi mag-beg-off dahil hindi naman niya kayang mag-lock-in taping at iwanan ang dalawa niyang anak, lalo na bunso niya na bini-breast feed pa niya noon.
Sa June 7 magsisimulang i-replay ang Endless Love, pagkatapos ng Heartful Cafe sa GMA-7.
***
KAYA ni Miss Eco Internatioanl 2018 Thia Thomalla na iwanan ang mundo ng pageantry at mag-concentrate na lamang sa showbiz.
Kasabay ng pagkapanalo niya ng title in 2018 ay nag-sign na rin siya ng management contract with GMA Artist Center at nakagawa na rin ng ilang programa sa GMA Network.
At ngayon ay enjoy siya sa role niya bilang presidential security officer as PSG Val sa romantic-comedy series na First Yaya sa GMA Primetime.
Sa kanyang role, dumaan sa mga trainings si Thia as the lone female PSG ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at bagay na bagay sa kanya ang role dahil sa height niya na hindi nalalayo sa kapwa PSG tulad ni Pancho Magno.
Last February, nagbigay na siya ng hint na wala na siyang interes na balikan ang beauty pageant scene: “The pandemic shifted our lives in ways no one imagined. Today, I’m letting go of a dream. A dream I was ready to face again.
“But sometimes life gives us a different path we have to embrace and celebrate. I do know, God is preparing me, us, for what is to come. Keep the faith.”
Natuwa naman si Thia sa show of support ng mga kasama niya sa First Yaya at kahit ng mga fellow beauty queens niya sa Miss World Philippiness 2018.
Napapanood ang First Yaya nightly after 24 Oras.
***
NAKATUTUWANG nasasanay na ang mga Kapuso artists sa mga lock-in tapings, tulad ngayon na naka-lock-in taping na rin ang grupo ng bagong GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas.
Magkakasama sa serye sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Faith da Silva na siyang gaganap na tatlong magkakapatid. Makakasama nila sina Jason Abalos at ang nagbabalik-Kapuso, si Albert Martinez.
Madalas silang nagpu-post ng mga behind-the-scene photos na nagpapakitang enjoy sila kahit naka-lock-in taping sila. Biro pa nila ang tawag daw nila sa kanilang grupo ay #TheLoveSisters!
Ang serye ay idinidirek ni Monti Puno Parungao.
(NORA V. CALDERON)
-
SHARON, malapit nang mahusgahan kung tama ba na tinanggap ang ‘Revirginized’ ni Direk DARRYL
PINAG-UUSAPAN sa social media si Megastar Sharon Cuneta matapos ipasilip ang ilang eksena sa paparating niyang pelikula sa Agosto — at oo, ito na ata ang most daring role niya so far. Sa kanyang Instagram posts nitong Linggo, ipinasilip ng 55-anyos ang ilang movie stills sa pelikula niyang Revirginized, kung saan binibigyan niya […]
-
Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA
OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza. Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila. Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa […]
-
Fil-Am actor Jacob Batalon has a special greeting for Pinoys as he invites fans to watch the new thriller “Tarot”
Filipino-American Jacob Batalon (Spider-Man: Homecoming, Spider-Man: Far From Home, Spider-Man: No Way Home) delves into horror as he tries to escape his deadly fate in Tarot. In anticipation of the frightening new film, Batalon invites fans in the Philippines to see Tarot as it haunts Philippine cinemas on May 1. Watch Jacob’s shout out here: […]