Geisler, PTA mag-ayos na
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel.
“All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes.
Hinirit pa niyang “That the public and all registered chapters under Geisler have be notified of this decision, which immediately executory, and that the PTA take all necessary measures to prevent him from further engaging in activities that will harm the good name of the PTA.”
Kinasuhan nitong Hunyo ang PTA ni Geisler sanhi nang pang- aabuso sa kanya, sa mga mag-aaral niya ng sport at ilang kapwa atleta.
Isinabit niya sina PTA executive officeri Sung-Chon Hong noong Hun. 24 sa Philippine Competition Commission (PCC), at PTA secretary general Raul Samson sa Paranaque Prosecutor’s Office.
Kinapapalooban ang demanda ng dating atleta at ngayo’y coach- trainer ng tatlong libel at dalawang cybel libel kaugnay sa mga panayam kay Samson ng diyaryo, radyo at online na ‘niloko’ ni Geisler sina national team athletes Samuel Morrison at Arven Alcantara para samahan siya sa D. Geisler Taekwondo Center online webinar.
Beterano ang 45-anyos at residente ng Merville, Paranaque ng 2000 Sydney, 2004 Athens Olympics, at three-time Southeast Asian Games champion.
Sana madaan sa mabuting usapan na lang ang hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal at ni Geisler para sa kapakanan ng mga mga batang jinn a tinuturuan ng huli at para na rin sa kapakanan ng sport sa pangkalahatan. (REC)
-
SHARON, tuloy na tuloy pa rin ang pagpasok sa action-drama series ni COCO; inaabangan kung ano ang magiging role
MARAMI na ang nag-aabang sa pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano. Isa ito sa pasabog na handog ng action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin, which is celebrating its sixth anniversary. Maraming mga fan groups ni Sharon sa Facebook ang nagtatanong kung kailan daw kaya ang formal announcement […]
-
Masasagot na rin ang estado ng relasyon nila: HEART, kinumpirma na sa ‘Pinas magba-Bagong Taon kasama si Sen. CHIZ
KINUMPIRMA ni Heart Evangelista via social media na sa Pilipinas siya mag-celebrate ng New Year kasama ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero. Sa isang Instagram update, nabanggit nga ni Heart sa caption na uuwi siya para makasama si Chiz sa Bagong Taon: “Living between 2 worlds Paris and Manila. 2 clocks […]
-
Yulo binalikan ang pinagsanayang gymnastics club
NASA Japan ngayon si Paris Olympic Games double-gold medalist Carlos Edriel Yulo upang magpasalamat sa mga tumulong sa kaniya upang maabot ang pangarap. Binisita ni Yulo ang Tokushukai Gymnastics Club kung saan nakasalamuha nito ang mga gymnasts na nagsasanay doon. Isa ang Tokushukai Gymnastics Club sa mga humasa sa kakayahan ni Yulo. […]