• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 25th, 2020

Bagong layang tulak, balik selda

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BALIK kulungan ang isang drug pusher na dati nang naaresto dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos muling masakote sa isinawang buy- bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si William Tutor, 43, (watchlisted) ng 164 J. Ramos St. Brgy. 7, ng lungsod.

 

Ayon kay DSOU chief PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng illegal na droga kaya’t nagsagawa ang mga ito ng buy- bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. kontra kay Tutor sa kanyang bahay alas-7 ng gabi.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng shabu at nang tanggapin ni Tutor ang marked money kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na may standard drug price P408,000 ang halaga, buy-bust money na kinabibilangan ng 1pc tunay na P1,000 at 11 pcs P1,000 boodle money, digital weighing scale at cellphone.

 

Ani P/Capt. Aquiatan Tutor ay dati nang naaresto ng mga awtoridad dahil din sa pagbebenta ng illegal na droga noong Marso 6, 2015 at nakalabas ito nitong nakaraang February 27, 2020. (Richard Mesa)

Geisler, PTA mag-ayos na

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel.

 

“All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes.

 

Hinirit pa niyang “That the public and all registered chapters under Geisler have be notified of this decision, which immediately executory, and that the PTA take all necessary measures to prevent him from further engaging in activities that will harm the good name of the PTA.”

 

Kinasuhan nitong Hunyo ang PTA ni Geisler sanhi nang pang- aabuso sa kanya, sa mga mag-aaral niya ng sport at ilang kapwa atleta.

 

Isinabit niya sina PTA executive officeri Sung-Chon Hong noong Hun. 24 sa Philippine Competition Commission (PCC), at PTA secretary general Raul Samson sa Paranaque Prosecutor’s Office.

 

Kinapapalooban ang demanda ng dating atleta at ngayo’y coach- trainer ng tatlong libel at dalawang cybel libel kaugnay sa mga panayam kay Samson ng diyaryo, radyo at online na ‘niloko’ ni Geisler sina national team athletes Samuel Morrison at Arven Alcantara para samahan siya sa D. Geisler Taekwondo Center online webinar.

 

Beterano ang 45-anyos at residente ng Merville, Paranaque ng 2000 Sydney, 2004 Athens Olympics, at three-time Southeast Asian Games champion.

 

Sana madaan sa mabuting usapan na lang ang hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal at ni Geisler para sa kapakanan ng mga mga batang jinn a tinuturuan ng huli at para na rin sa kapakanan ng sport sa pangkalahatan. (REC)

Cardinal Tagle, tuluyan nang gumaling sa COVID-19

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

GUMALING na mula sa COVID-19 si Cardinal Luis Antonio Tagle.

 

Ayon kay Pontificio Collegio Filipino (PCF) Rector Fr. Gregory Gaston, ang paggaling ni Tagle mula sa coronavirus ay isang magandang balita sa buong simbahan. Nais aniya ng Diyos na ipagpatuloy ni Tagle ang kaniyang misyon sa simbahan.

 

Una rito, nagpositibo sa COVID-19 ang Prefect of the Vatican’s Congregation for Evangelization of Peoples at president ng Caritas Internationalis dalawang linggo na ang nakalipas nang dumating dito sa bansa.

 

Huli niyang nakasalamuha si Pope Francis noong August 29 pero hanggang ngayon hindi naman kinakitaan ng sintomas ng virus ang Santo Papa.

Gabby Lopez nag-resign na sa ABS-CBN

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BUMITIW na bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III.

 

Ang resignasyon ay dahil aniya sa “personal reasons”.

 

Bukod dito, umalis na rin si Lopez sa kanyang posisyon bilang director ng ABS-CBN Holdings Corp., Sky Vision Corp., Sky Cable Corp., First Philippine Holdings Corp., First Gen Corp., at Rockwell Land Corp..

 

Sa isang press statement na nilabas ngayong Biyernes, Setyembre 24, 2020, sinabing ang resignation ni Lopez ay “effective immediately.”

 

Nanghihinayang man ay tinanggap ng Board of Directors ng ABS-CBN Corp. ang pagbibitiw ni Lopez sa kanilang organizational meeting ngayong araw.

 

“We thank him for his dedication and leadership in expanding and transforming ABS-CBN beyond television through the years,” ayon pa sa board.

 

Ilang araw matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng ABS-CBN noong Hulyo, giniit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat tinakwil ni Lopez ang kanyang American citizenship, o hindi na lang naging opisyal ng Kapamilya network.

 

Isa ang dual citizenship ni Gabby Lopez sa mga pinukol na isyu sa ABS-CBN sa 12 joint hearing ng nasabing House panel na nagdesisyong tuluyang isara ang Kapamilya network. (Ara Romero)

HEAT, ABOT-KAMAY NA ANG NBA FINALS MATAPOS PASUIN ANG CELTICS SA GAME 4, 112-109

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANGANGAILANGAN na lamang ng isang panalo ang Miami Heat upang tuluyan nang makapasok sa NBA Finals matapos na makaligtas sa naghihingalong Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, 112-109.

 

Bunga ng panalo, nakuha na ng Miami ang 3-1 lead sa best- of-seven series at makalapit ang koponan sa kanilang kauna- unahang NBA Finals mula noong 2014.

 

Kung maalala, huling pumasok ang Heat sa finals ay noong naglalaro pa si LeBron James sa Miami.

 

Nagawa pa ng Boston na mabura ang double-digit na defi- cit para mahawakan ang one- point lead sa fourth quarter, ngunit nakadiskarte pa rin ang Heat para makaabanseng muli.

 

Namayani nang husto sa kampo ng Heat ang rookie at pinakabatang player sa floor na si Tyler Herro na nagpakawala ng 37 points.

 

Si Herro rin ang ikalawang 20-anyos sa kasaysayan ng NBA playoffs na maka-iskor ng nasa 37 points sa isang laro.

 

Ang isa pa ay si Magic Johnson na kumamada ng 42 sa Game 6 ng 1980 NBA Finals para sa Los Angeles Lakers.

 

“I feel good about it,” wika ni Herro. “There’s a lot of work to be done still. We’re up 3-1.”

 

Umalalay din sina Jimmy Butler na umiskor ng 24 points, at si Goran Dragic na may 22 points.

 

Nabalewala naman ang 28 points na binuslo ni Jayson Tatum.

 

Tatargetin na umano ng Heat na tapusin na ang laban sa Game 5 sa Sabado.

 

Ngunit alam nilang ibubuhos lahat ng Celtics ang kanilang makakaya para piliting mapalawig pa ang serye sa Game 6 at Game 7 kung kinakailangan.

Halos 10K pasaway sa GCQ nasakote sa Navotas

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT na sa 9,714 ang mga dinampot na mga lumabag sa mga patakaran ng General Community Quarantine (GCQ) ayon sa Navotas City Police.

 

Bumida sa mga pasaway ang 5,269 dinampot dahil sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask at 3,503 lumabag sa curfew hours.

 

512 naman ang mga hindi sumunod sa social distancing, 512; traffic violators, 322; nakahubad sa kalye, 51; tumatagay sa labas ng bahay, 36; at 21 nagyoyosi sa pampublikong lugar.

 

Kaugnay nito, sinimulan ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang pagpapatupad ng Oplan “Sermon,” na naglalayong turuan ang mga mga magulang o nangangalaga sa mga bata na hinahayaan ang mga paslit na gumala sa kalye sa kabila ng panganib ng COVID-19.

 

Ito ay matapos makatanggap ang pulisya ng mga ulat na may mga bata sa matataong lugar na patuloy sa paglalagunda sa mga kalye at maging sa mga eskinita kung saan lalo silang nagkakadikit-dikit na para bang walang pandemya.

 

Bumuo si Col. Balasabas ng pangkat ng mga pulis na armado ng video camera na magpapatupad ng operasyon at magre-record ng sitwasyon na gagamitin sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga magulang at tagapangalaga na patuloy na sumusuway sa mga alituntunin ng pamhalaan.

 

Ang mga itinalagang pulis na magle-lecture ay sinanay at may taglay na wasto’t sapat na kaalaman sa mga akmang ordinansa sa ilalim ng GCQ, maging sa mga tamang hakbang kung paanong dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak. (Richard Mesa)

7 pinay na biktima ng human trafficking, nasabat ng immigration

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINIGIL ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Intrnational Airport (NAIA) ang pito na mga babaeng Pinay na makalabas ng bansa patungong United Arab Emirates dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking.

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) na nasabat ang mga babaeng Pinay noong Septemeber 17 sa immigration departure area sa NAIA Terminal 1 habang ang mga ito ay papasakay na sa Philippine Airlines (PAL) biyeheng Dubai.

 

Tatlo sa kanila ay kinuha na magtrabahi bilang mga caregivers sa Emirate habang ang apat ay ni-recruit na magtrabaho blang mga market- ing at sales agents sa iang interior design company.

 

Ayon kay BI-TCEU Chief Ma. Timotea Barizo na ang mga babaeng Pinay ay nagtangkang umalis ng Pilipinas na nagpanggap na mga first time na mga overseas Filipino workers pero nasuri sa kanilang mga dokumento na kahina-hinala.

 

“Verification made on the overseas employment certificates (OECs) they presented revealed that some of them are not in the records of the Philippine Overseas Employment Administrtion (POEA), while the others appear to have been issued to other persons,” ayon kay Barizo.

 

Lumalabas na ang kanilang UAE visas ay mga tourist visa sa Dubai at hindi upang magtrabaho.

 

Hindi muna pinangalanan ang nasabing mga babaeng Pinay at i- turnover sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa assistance at maibestigahan.

 

Dahil dito, muling nagpaalala si Morente na mga gustong magtrabaho s aiabng bansa na huwag makipag-transaksiyon sa mga illegal recruiters.

 

“We were told that these intercepted victims all said that they met their handlers and recruiters via social media and that their travel papers were only handed to them a few days before their scheduled flights,” Morente noted. “They did not know that these fraudulent papers could result in interception by our officers.”

 

“These traffickers are taking advantage of our kababayan who need jobs during the pandemic,” ayon kay Morente. (Gene Adsuara)

MEET CHANG’E, CHIN, AND GOBI IN THE NEWEST ‘OVER THE MOON’ TRAILER!

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

OVER the Moon is the newest animated musical film coming to Netflix, and it’s set to launch globally this October 23!

 

Just a month before it premieres, Netflix drops the second trailer to the film. This time, it gives us a glimpse on our main characters — Fei Fei, Chin, Chang’e, and Gobi — as well as another song we would definitely be looking forward to!

 

Check it out below: https://www.youtube.com/watch?v=26DIABx44Tw&ab_channel=Netflix

 

This animated music film is centered on a bright young girl named Fei Fei who builds a rocket to the moon to prove the existence of the legendary Moon Goddess, Chang’e. It’s there that she ends up going on an adventure, discovering a land of fantastical creatures.

 

Netflix has also released recently the lyric video for “Rocket to the Moon” — one of the songs Fei Fei sings in the film.

 

Over the Moon comes from director Glen Keane and producers Gennie Rim and Peilin Chou. The animated musical features a star-studded voice cast which includes Cathy Ang, Philippa Soo, Robert G. Chiu, Ken Jeong, Ruthie Ann Miles, and more.

 

Over the Moon launches on Netflix this October 23. For updates regarding this title, you may follow the film’s official Netflix, Facebook, and Instagram pages. (ROHN ROMULO)

Julia, ‘di pa nakaka-usap ni Dennis tungkol sa isyu ng pagbubuntis

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KASUSULAT lang namin dito sa People’s Balita kahapon na planong magsampla ng demanda ni Liza Soberano sa empleyado ng internet provider na Converge ay heto at tinuluyan na niya dahil nag- file na kaagad ngayong 11AM sa Quezon City Hall of Justice.

 

Kasama ni Liza ang manager niyang si Ogie Diaz at abogadong si Atty. Jun Lim of Lim-Yutatco- Sze law office na nagpunta at nanumpa kay Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion.

 

Base sa pahayag ng abogado ni Liza na sinabing ‘sarap ipa-rape’ na pinost sa Facebook ay clear violation of Section 4(c)(4) of Republic Act. No. 10175, otherwise known as “Cybercrime Prevention Act of 2012,” in relation to Article 355 of the Revised Penal Code.

 

Sabi ng aktres ay below the belt ang komentong ito sa kanya ng nasabing empleyado.

 

“It was on Facebook under a thread of comments. It wasn’t the actual post of the person but she left a comment under someone else’s post a few days ago.

 

“It sounded like ‘Wala na daw akong trabaho. So I can do anything I want, di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape.

 

“I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly. And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that,” katwiran ng dalaga.

 

Dagdag pa, “I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media.”

 

“I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything, like rape jokes, be- cause that is not a light matter.”

 

*****

 

SI Ruffa Gutierrez pala ang unang nagtanong kay Dennis Padilla habang naka-break sila sa taping ng teleserye, kung totoong buntis si Julia Barretto base sa post ng broadcaster na si Jay Sonza sa kanyang Facebook page. Nakapanayam si Dennis ni Papa Ahwel Paz sa kanyang Showbuzz program sa DZMM Teleradyo.

 

“Actually ang unang nagtanong dito sa akin sa set si Ruffa Gutierrez. Sabi niya sa akin, ‘Kuya Dennis, totoo ba?’”

 

“Sabi ko hindi siguro dahil kung totoo iyan, magte-text din naman sa akin ‘yan na ‘Papa I’m pregnant.’ Wala eh. Tapos nakita ko nga ‘yung litrato ni Julia sa Instagram niya. So fake news talaga

 

“Ang akin lang na gusto kong sabihin kay Kuya Jay, ‘Kuya Jay, bago ka sana nag-comment ng ganu’n, sana tinawagan mo naman ako o kaya tinanong mo kay Marjorie (Barretto) o kaya mag-text ka sa kung sino man ang malapit kay Julia para malaman kung totoo o hindi.

 

“Kasi parang ang pagkabitaw ni Jay Sonza, parang kaswal. Hindi siya news type. So ‘yun lang. Siguro ang kulang ni Kuya Jay doon is coordination sa mga magulang tsaka dun sa bata,” paliwanag mabuti ni Dennis.

 

May legal action bang gagawin ang ama ni Julia.

 

“Hindi na siguro kasi lalaki namang kausap si Kuya Jay. Mag-uusap na lang kami, tawagan and kung kailangan may mag-apologize, apology lang siguro. Ayos lang ‘yun dahil kaibigan din naman natin si Kuya Jay,” sambit nito.

 

Hindi pa rin nakakapag-usap ang mag-amang Dennis at Julia. “Hindi pa kami nag-uusap. Nag-text lang kami ni Leon kahapon (isa pang anak niya) kumustahan lang. I also respect the privacy of my daughter, she’s already 23 adult na iyan eh.

 

“Si Julia kapag may hinihinging advice ‘yan, magte- text lang naman sa akin iyan. Hindi ko bino-volunteer ‘yung advice ko kasi adult na siya. Kapag nagtanong lang siya ng ‘Papa what can I do?’

 

“Doon lang ako nag-a-advise hindi ko ‘yung pinapangunahan, hindi ko ginagawa sa mga anak ko ‘yun. I respect them as a responsible adult. Number two, I respect them as my children,” katwiran ng amang buo ang tiwala sa anak. (REGGEE BONOAN)

MMDA naghigpit sa mga distracted drivers

Posted on: September 25th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TUTULUNGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang police authorities sa pagpapatupad ng batas laban sa drunk and distracted driving.

 

Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na ang kanilang ahensya ay nagsanib sa Philippine Nation Police Highway Group (PNP) at Land Transportation Office (LTO) “in a one time, big time operation” laban sa mga errant drivers.

 

“Hopefully, this become a lesson for our motorists that the government is serious in enforcing the laws. We will revoked the licenses of those errant drivers,”

 

Noong nakaraan operasyon, ang MMDA ay nakahuli ng 90 trucks dahil sa overloading. Samantalang apat (4) na drivers naman ang nahuli dahil sa seatbelt violations at tatlo (3) motorista ang positive sa drugs.

 

Ayon kay Nebrija, ang MMDA ay sasama sa mga authorities para sa pagpapatupad ng batas laban sa drunk at distracted driving.

 

Ang distracted at drunk driving ay nanatiling siyang major factor sa mga road crashes sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

 

Samantalang, 10 buses naman ang involved sa aksidente sa kabuohang 100 concrete barrier-related na aksidente sa kahabaan ng EDSA. Ang iba naman ay mga private vehicles.

 

“MMDA is planning to replicate the dedicated lane for bicycles and motorcycles launched by San Juan Mayor Francis Zamora. The MMDA will help the national government in connecting the dedicated bike lanes in Metro Manila,” dagdag ni Garcia.

 

Ang MMDA ay nakakakuha ng 90 averagae call kada araw at tumulong sa 3,200 na mga motorista sa One Hosptial Command Center na siyang nakikipagugnayan sa hospitals at iba pang treatment facilities. (LASACMAR)