₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector, isinusulong
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang inhaing Senate Bill No. 2002 ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na nagsusulong sa ₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector.
Kasabay nito, naghain din si TUCP President at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza (TUCP Party-list) ng House Resolution No. 635 na humihikayat sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) na bigyang depinisyon ang konsepto ng family living wage at idetermina ang halaga ng dagdag sahod upang magsilbing guide sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa determinasyon ng minimum wages.
“We welcome these various initiatives to increase the wages of workers because these many proposals, especially spearheaded by the Senate President, underscore the badly needed wage adjustment in light of the erosion of the purchasing power of workers’ wages due to inflation,” ani Mendoza.
Sa National Capital Region (NCR) lamang, ang tunay na halaga ng minimum wage ng manggagawa ay bumaba ng P88 per day ngayong buwan mula sa nominal daily minimum wage value na ₱570 na siyang tunay na daily minimum wage value na ₱482.
Hindi aniya sapat ito para masustine ang kalusugan, produksyon at disenteng pamumuhay ng manggagawang Pinoy at kanilang pamilya.
Ayon pa sa working poverty estimates para sa taong 2022 ng International Labour Organization (ILO), nasa tinatayang 2.22% ng working population ay nasa extreme poverty na namumuhay sa mas mababa pa sa $1.90 o mahigit sa P100 kada araw.
Karamihan sa mga trabahador ay mahirap dahil na rin sa hindi spat ang kanilang sahod para mapunan ang pangangailangan nila at ng kanilang pamilya.
Dagdag pa ang underemployment na doble ang bilang na 14.1% o 6.65 million underemployed Filipinos. (Ara Romero)
-
Olympic playbook guides inilabas na para sa kaligtasan ng mga atleta
Sinimulan ng ilimbag ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC) at Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 (Tokyo 2020) ang ikatlo at pinal na editions ng Tokyo 2020 Playbooks. Magsisilbi itong komprehensibong gabay sa mga manlalaro at dadalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan. […]
-
Terorismo sa Pinas, bumaba na
IPINAGMALAKI ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon. Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba […]
-
Panawagan ni Abalos sa mga mall owners, maging istrikto sa vaccination card sa mga papasok sa kanilang establisimyento
NANAWAGAN si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. sa mga mall owners na maging istrikto sa paghahanap ng vaccination card ng mga papasok sa kanilang establisimyento lalo na ngayong malapit na ang Christmas season. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na kailangan na gawing istrikto ito at siguraduhin na […]