• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OFW Center, layon na ipromote ang kapakanan ng overseas workers’- PDU30

MAKATUTULONG ang paglikha ng Overseas Filipino Workers (OFW) Center sa Las Piñas City para i-promote ang karapatan at kapakanan ng ng mga overseas workers.

 

 

Dinisenyo kasi ito upang maging one-stop hub para sa mga migrant workers.

 

 

Sa isinagawang groundbreaking rites ng OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, tiniyak ni Pangulong Duterte na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para masiguro ang proteksyon at kapakanan ng mga OFWs.

 

 

“The productive collaboration of the government and its partner is the key to achieving concrete results for activities that promote the welfare and the holistic development of our unsung heroes,” ayon kay Pangulong Duterte sabay sabing “In recognition of their service and heroism, this administration has remained steadfast in providing the best service it could give to our OFWs.”

 

 

Ang OFW Center ay isang 10-storey building na magsisilbing satellite offices ng mga ahensiya ng gobyerno para sa “documentation and travel needs” at legal assistance para sa OFWs.

 

 

Ang center ay proyekto ng Global Filipino Movement Foundation Inc., isang non-stock at non-profit organization na nakikipagtulungan sa Christian churches, organisasyon at indibiduwal upang magbigay ng libreng tulong sa mga overseas workers.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang Global Filipino Movement Foundation para sa inisyatiba nito na suportahan ang mga OFWs sa pamamagitan ng pagtatayo ng one-stop shop.

 

 

“[OFWs] will always play a crucial part in our country’s development, especially during times of recovery after tumultuous events such as the ongoing Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing “I am pleased to join my fellow workers in government, members of the private sector, and of course, our overseas Filipinos and their families as we hold the groundbreaking ceremony of the OFW Center, a hub dedicated to serving our OFWs.”

Other News
  • PAHAYAG NI CONG. TOBY TIANGCO SA DICT HACKING INCIDENT

    NAGLABAS ng pahayag si Navotas Congressman Toby Tiangco na bilang Chair ng ICT Committee ng House of Representatives, ay lubos niyang ikinabahala ang tungkol sa insidente ng hacking kamakailan kung saan tinatarget ang Disaster Risk Reduction Management Division ng Department of Information and Communications Technology.         Ayon sa kanya, ang paglabag na […]

  • Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa C130 plane crash

    Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo.     Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong.     Bilang aniya […]

  • Netizens, na-disappoint sa birthday greetings ni GERALD kay JULIA dahil ‘di man lang nag-effort

    SOBRANG disappointed ang netizens sa birthday greetings ni Gerald Anderson sa girlfriend na si Julia Barretto na pinost sa kayang IG account.     Simpleng ‘Happy birthday’ lang kasunod ang heart emoticon at hashstag na #youareablessing.     Na malayong-malayo sa birthday greetings ni Julia kay Gerald na may effort at maraming kinilig sa post […]