EDITORIAL
-
Taas-presyo ng produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo – DOE
December 23, 2024PINAGHAHANDA ng Department of Energy ang mamamayan sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng Pasko sa susunod na linggo. Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau ,Assistant Director Rodela Romero, na base sa apat na araw na trading ay nakita nila ang pagtaas ng presyo ng mga produktong […]
-
VP Sara, nahaharap na sa tatlong magkakasunod na impeachment complaint
December 23, 2024Tatlong magkakahiwalay na impeachment complaint na ang kinakaharap ni VP Sara Duterte. Ito ay matapos ihain ng religious groups at mga abogado ang ikatlong impeachment complaint sa opisina ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco kahapon, Disyembre 19. Pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants ang pagsusumite […]
-
Kakulangan ng deklarasyon ng holiday, nagpapakita na nais ng CPP-NPA- NDF ng karahasan – Año
December 23, 2024SINABI ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año na ang deklarasyon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na walang holiday truce ay malinaw na hangad nito na pagnanais na magdulot ng kalituhan at karahasan. “(This) simply reflects their persistent commitment to violence and armed struggle, further isolating themselves […]
-
Higit P.3M shabu, nasabat sa 3 drug suspects sa Caloocan
December 23, 2024UMABOT sa P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Valaue Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Pual Jady Doles ang […]
-
Malasakit Center beneficiaries: 15 milyon and counting!
December 21, 2024FIFTEEN million beneficiaries and counting. Ito ang update ng Department of Health (DOH) sa pagdinig ng Senate committee on health tungkol sa kasalukuyang estado ng Malasakit Centers Program. Sa kabila ng bulung-bulungan tungkol sa kahihinatnan ng “one-stop shop for medical assistance,” sinabi mismo ni DOH Sec. Ted Herbosa sa […]
-
Philippine polymer banknote series, inilabas na ng BSP
December 21, 2024IPINAGMAMALAKING ipakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series. Ang FPP Banknote Series ay mayroong apat na denominasyon at nagtatampok ng “smarter, cleaner at stronger features.” Kabilang sa mga tampok na bagong uri ng salapi ay P500, P100, at P50 na domination. […]
-
Grab drivers umaangal dahil sa cuts sa SC at PWD discounts
December 21, 2024NANAWAGAN sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang grupo ng mga drivers ng ride-hailing system upang ang mga kumpanyang nasabi ay ibalik sa kanila ang binabawas sa kanilang kinikita na 20 porsiento diskwento sa senior citizens at persons with disability (PWDs). Sa isang panayam kay Laban TNVS national director […]
-
Ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, inendorso ng mambabatas
December 21, 2024INENDORSO ni Assistant Minority Leader at Camarines Sur Rep.Gabriel Bordado Jr. ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Nakapaloob sa complaint, na inihain ng koalisyon ng Catholic priests at civil society groups, ang akusasyon ng paglabag sa public trust, at betrayal of the Constitution. “This decision is not made lightly […]
-
QC TAX SURPLUS, aabot ng higit P3-B bago matapos ang taon
December 20, 2024KUMPIYANSA si Quezon City treasurer Edgar T. Villanueva na bago matapos ang taon ay maaabot ng lokal na pamahalaan ang overall target surplus na mahigit sa 3 billion para sa taong 2024. Sa panayam ng ilang batikang mamamahayag ng Quezon City Press Club Inc., ipinahayag ni city treasurer Edgar Villanueva na ang […]
-
Kamara sisilipin senior, PWD discounts ng Grab
December 20, 2024NAGHAIN si Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo Ordanes ng isang resolusyon na imbestigahan ang hindi tamang pagpapatupad ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) discounts ng Grab at iba pang ride-hailing at food delivery companies. Sa kanyang House Resolution No. 2134, nais ding tingnan ni Ordanes ang mga alegasyong pinapasagot umano ng […]
-
Walang pagsisikip sa pantalan ngayong holiday season
December 20, 2024WALANG nakikitang pagsisikip sa mga pantalan ngayong holiday season, ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago. Kasabay nito, muling nagpaalala si Santiago s amga pasahero na mag-ingat sa mga masasamang-loob na target manloko sa mga pasaherong babiyahe sa kani-kanilang mga probinsya. Nagpapatupad na ng heightened alert sa lahat […]
-
Beyond Compliant Gawad Kalasag
December 20, 2024GINAWARAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Beyond Compliant Gawad Kalasag (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal para sa taong 2024. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang karangalang ito ay kanilang nakamit dahil sa pagsasama-sama ng bawat Navoteño para mananatiling handa at […]
-
NavoPasko hams
December 19, 2024PAMASKONG HAMON Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang kanyang mga anak ang kickoff ng pamamahagi ng NavoPasko hams sa bawat pamilyang Navoteño na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtiyak na mararamdaman ng bawat pamilya ang init ng kapaskuhan. (Richard Mesa)
-
Navotas, namahagi ng NavoPasko hams
December 19, 2024SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pamamahagi ng NavoPasko hams sa bawat pamilyang Navoteño. May 84,598 hams ang ibibigay sa mga pamilyang Navoteño na naninirahan sa lungsod hanggang Disyembre 21, 2024, bilang bahagi ng pangako ng lungsod sa pagpapalaganap ng saya at holiday cheer ngayong Kapaskuhan. Kasama ang […]
-
DOH: Kaso ng Mpox sa Pinas, 52 na
December 19, 2024UMAABOT na sa 52 ang bilang ng mga kaso ng Mpox na naitala nila sa Pilipinas. Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na 32 sa mga naturang kaso ay mula sa National Capital Region (NCR). Nasa 13 naman sa mga ito ay mula sa Region 4A o Calabarzon habang tatlong kaso […]
-
LTO, CARMONA CITY LGU lumagda sa interconnectivity agreement
December 19, 2024MALAPIT nang ma-access ng Lungsod ng Carmona, Cavite ang pangunahing impormasyon ng mga sasakyan na kinakailangan para sa epektibong pagpapatupad ng mga batas-trapiko, matapos lagdaan ang kasunduan sa interconnectivity kasama ang Land Transportation Office (LTO). Binigyang-diin ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga local […]
-
PBBM, nangako na gagawing ‘more accessible’ ang sarili sa media
December 18, 2024NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawing mas ‘bukas at accessible’ ang sarili sa mga mamamahayag. Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang “symbiotic” o interdependent relationship sa pagitan ng pamahalaan at ng ‘fourth estate.’ “In government, we could not do […]
-
Malakanyang, binuksan ang grounds sa publiko para sa Misa De Gallo, iba pang Christmas activities
December 18, 2024BINUKSAN ng Malakanyang sa publiko ang grounds nito para sa panahon ng Pasko kung saan ang lahat ay maaaring mag-enjoy ng iba’t ibang aktibidad kabilang na ang Misa De Gallo. Nagsimulang buksan sa publiko ang palace grounds ngayong araw ng lunes, Disyembre 16 hanggang Disyembre 23, mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 […]
-
Kahilingan ng Akbayan di pinagbigyan ng DOTr
December 18, 2024HINDI pinagbigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ng Akbayan Party-list sa kanilang appeal na palawigin ang oras ng operasyon ng tatlong (3) railways systems sa Metro Manila. Ayon sa DOTr na kahit na ang kahilingan ay makakapagbibigay ng mas convenient na pagsakay ng mga pasahero sa gabi, ito naman ay nangangahulugan ng […]
-
Mga dinismis na empleyado ng LRTA, nagprotesta sa labas ng Korte Suprema
December 18, 2024NAGSAGAWA ng noise barrage at kilos protesta ang ilang mga dating empleyado ng LRTA sa Korte Suprema . Hiling ng grupo na bawiin ng SC En Banc ang desisyon ng 3rd Division na pumabor sa paghahabol nila sa separation benefits at backpay. Ayon sa grupo, nanawagan ang kanaak ng ilan […]
-
Mag-live-in na tulak, tiklo sa Navotas drug bust
December 17, 2024ISINAGAWA ng mga operatiba ng SDEU sa harap nina Mayor John Rey Tiangco, Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, mga witness mula sa media at opisyal ng barangay ang pag-imbentaryo ng mga nakuhang droga sa suspek na si alyas “William”, 40, Chinese national at kanyang live-in partner na si alyas “Rose”, 28, matapos maaresto sa […]
-
NHA, NAMAHAGI NG CELA SA 382 BENEPISYARYO SA CSJDM, BULACAN
December 17, 2024NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 382 kwalipikadong benepisyaryo para sa siyam na housing sites sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano at Region III Manager Minerva […]
-
Proteksiyon ng mga pasahero ngayong holiday rush isinulong
December 17, 2024PINATITIYAK ni Senador Win Gatchalian na mabibigyan ng proteksiyon ang mga pasahero ng mga taxi at tourist car transport services lalo ngayong panahon ng holiday rush. Ito ang layon ng Senate Bill 819 o An Act Establishing the Rights of Passengers of Taxis, Tourist Car Transit Services, and Other Similar Vehicles for […]
-
Skilled workers, hinikayat na mag-apply para sa CSC eligibility
December 16, 2024HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga skilled workers na mag- apply para sa eligibility para maging kuwalipikado sa ilang posisyon sa gobyerno. Sinabi ng CSC, ang mga karpintero, mga tubero at mga electrician, bukod sa iba pa ay maaaring mabigyan ng pagiging kwalipikado sa skills eligibility Category II nang hindi kumukuha […]
-
Higit P.5M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela
December 16, 2024UMABOT sa mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Liga, kinilala ni Valenzuela police chief […]
-
Halos P.4M droga, nasabat ng NPD-DDEU sa buy bust sa Valenzuela, 2 tiklo
December 16, 2024HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang itinuring bilang High Value Individual (HVI) matapos madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, […]
-
Bong Go: Zero subsidy sa PhilHealth, anti-poor
December 16, 2024“HINDI katanggap-tanggap at makamahirap!” Ganito ang naging pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go, isang crusader para sa mga reporma sa kalusugan, ukol sa niratipikahang Bicameral Committee Report sa 2025 General Appropriations Bill, partikular sa panukalang zero subsidy para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon. Matapos pagtibayin […]
-
49% ng mga Pinoy nagpahayag na mas bumuti ang lagay matapos ang COVID -19 pandemic
December 14, 2024HALOS kalahati ng mga Filipino ang nakaramdam ng pagbuti ng buhay kumpara noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Ito ang lumabas sa report na may titulong “Cost of Living Monitor” ng market research company Ipsos. Lumitaw sa isinagawang survey mula Oct. 25 hanggang Nov. 9, na 49% ng mga Pinoy ang nagpahayag […]
-
Malabon, ginawaran ng Gawad Kalasag Seal
December 14, 2024NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng Gawad Kalasaf Seal of Excellence mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Personal na tinanggap ni Mayor Jeannie Sandoval ang award, kasama si Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office Officer-in-Charge Roderick Tongol sa ginanap na 24th Gawad KALASAG National Awarding Ceremony […]
-
Lalaking nag-amok habang armado ng pen-gun sa Navotas, kalaboso
December 14, 2024SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos damputin ng pulisya makaraang mag-amok habang may bitbit na improvised gun sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, iniulat ng isang concerned citizen sa Tanza Police Substation 1 ang hinggil sa isang lalaki na nagwawala at naghahamon ng away habang may […]
-
2 babaeng tulak, laglag sa Malabon drug bust
December 14, 2024HINDI inakala ng dalawang babaeng sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga na pulis ang kanilang katransaksyon matapos silang madakip sa buy bust operation sa Malabon City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek […]
-
Pagsasara ng POGO, walang epekto sa ekonomiya- DILG
December 13, 2024WALANG masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganap na pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na “As per NEDA, .25 of 1 percent of total GDP (gross domestic product) ang maaapektuhan. We don’t see […]
-
PBBM, pinarangalan ang 13 Outstanding Overseas Filipino, mga grupo
December 13, 2024KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 13 honorees ng 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO), araw ng Miyerkules, sa pagbibigay karangalan sa bansa at mga Filipino sa ibang bansa. Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, binigyang diin nito ang accomplishments o mga nagawa ng mga PAFIOO awardees […]
-
World Bank, inaasahan ang 6% average growth para sa ekonomiya ng Pinas sa 2024-2026
December 13, 2024INAASAHAN ng multilateral lender World Bank na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa average na 6% sa panahon ng 2024 hanggang 2026. Sa ipinalabas na Philippines Economic Update (PEU), sinabi ng World Bank na ang pananaw nito para sa ekonomiya ay “hinges on the country’s ability to rein in inflation, implement a more […]
-
Dahil sa Holiday rush Quezon City traffic enforcers duty hanggang hatinggabi
December 12, 2024AABUTIN na ngayon hanggang alas-12 ng hatinggabi sa pagbabantay sa lansangan ng mga tauhan ng Traffic and Transport Management Division ng Quezon City. Sa QC Journalist Forum, sinabi ni Dexter Cardenas na mas pinahaba nila ngayon ang pangangasiwa sa daloy ng trapiko matapos na tumaas sa 20 percent ang dami ng mga sasakyan […]
-
NAIA nilagyan ng TNVS hub
December 12, 2024NILAGYAN ang metered taxis at ride-hailing services ng isang dedicated hub sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Naglalayon ang transport network vehicle service (TNVS) hub na maging maganda at maayos ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagbabawas ng curbside congestion sa drop-offs at pick-ups sa NAIA Terminal 3. […]
-
Prangkisa ng Grab napipintong kanselahin ng LTFRB
December 12, 2024NAPIPINTONG kanselahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Grab Philippines dahil umano sa pagpasa ng 20-percent discount para sa pasaherong persons with disabilities (PWDs), estudyante at senior citizen sa kanilang mga driver. Nabuking ito sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services nang komprontahin ang kinatawan ng Grab […]
-
Valenzuela police, magkakaroon na ng mga bagong electric police vehicles
December 12, 2024MAGKAKAROON na ng mga bagong electric police vehicles ang Valenzuela City Police Station (VCPS), kasunod ng isinagawang ceremonial signing para sa partnership agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at ACMobility upang ilunsad ang “Go Green Valenzuela”. Inihayag ng lungsod na ang 41 electric police cars na gagamitin ng VCPS ay […]
-
Binata na gumagala habang armado ng baril sa Malabon, kulong
December 11, 2024REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang kelot matapos inguso sa pulisya na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Leo”, […]
-
Sa ika-anim na pagkakataon… SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MULING NAKUHA NG NAVOTAS
December 11, 2024MULING nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ikatlong magkakasunod na taon. Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang parangal […]
-
Mga negosyante kinontra ang plano ng MMDA na pagbawalan ang mga pagsasagawa ng Sales
December 11, 2024KINONTRA ng Philippine Retailers Association (PRA) ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan ang pagsasagwa ng mall-wide sales ngayong Christmas season. Sinabi ni PRA President Roberto Claudio na tuwing ngayong panahon lamang nakakabawai ang mga store owners kung saan hindi lamang ang mga malalaking negosyante at maging ang mga […]
-
1,992 pangalan, pinasisilip ng Kamara sa PSA
December 11, 2024HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Philippine Statistics Authority (PSA), na beripikahin ang civil registry records ng 1,992 indibidwal na sangkot sa P500 milyong confidential funds na ginastos umano ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng pamunuan ni Vice President Sara Duterte. “May we […]
-
BULACAN PRIDE.
December 10, 2024Matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa Batang Pinoy 2024, ipinakita ng mga nagwaging atleta na sina (mula kaliwa hanggang kanan) Alexie Jane Conte, Aretha Paulenco, Gerald J. Esquivel, Aaliyah Arnelle Go, Rizzalyn A. Santos, Yukihiro Funayama, Sean Aldryl Tolentino, at Kiel Vincent E. Aldaba ang kanilang mga pinagsumikapang medalya kasama ang ilan sa kanilang […]
-
Assassination plot laban sa VP, peke
December 10, 2024IBINASURA ng isang mambabatas ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na may assassination threat sa kanya. Ayon kay Assistant Majority Leader Jude Acidre, peke ang alegasyon na ito batay na rin sa pahayag nina Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Padilla at Philippine National Police (PNP) spokesperson Police […]
-
6 drug suspects, tiklo sa Malabon buy bust
December 10, 2024BINITBIT sa selda anim na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]
-
PNP: Online scammers kakalat ngayong Kapaskuhan
December 10, 2024PINAG-IINGAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga online transactions na posibleng samantalahin ng mga scammer habang papalapit ang Pasko. Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito. […]
-
Pinoy na walang trabaho lumobo sa 1.97 milyon
December 9, 2024TUMAAS sa 1.97 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho nitong Oktubre batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon kay PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na ang mga jobless individuals ay nasa mula 15 taong gulang pataas. Aniya, ang jobless Pinoy noong Oktubre ay mas mataas […]
-
DA at DOLE kapit-bisig para sa Kadiwa ng Pangulo
December 9, 2024LUMAGDA sa isang memorandum of understanding sina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma para palakasin pa ang Kadiwa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sinabi ni Laurel na sa ilalim ng kasunduan ay magbibigay ang DOLE ng manpower para naman mapalawak pa o maparami pa ang Kadiwa Centers […]
-
Kelot, tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon
December 9, 2024TUMIMBUWANG ang duguang katawan ng 24-anyos na kelot matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Malabon City. Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Kenneth Lozada, ng Blk 34, Lot 11, Malipoto St., Brgy. NBBS, Navotas City. Sa report […]
-
LTO, inilunsad ang ‘STOP ROAD ACCIDENT!’ bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa road safety
December 7, 2024NAGLULUNSAD ang Land Transportation Office (LTO) ng mas pinaigting na kampanya para sa road safety, alinsunod sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mabawasan ang insidente ng aksidente sa kalsada ng hindi bababa sa 35% pagsapit ng 2028. Pinamagatang “STOP ROAD ACCIDENT!”, ipinaliwanag ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. […]
-
Pasko sa “SNED Holiday 2024”, ipinagdiwang sa Valenzuela
December 7, 2024PARA makapaghatid ng kagalakan sa mga batang Valenzuelano na may espesyal na pangangailangan ngayong kapaskuhan, ipinagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “SNED Holiday 2024” na ginanap sa Valenzuela City People’s Park Amphitheatre. Pinatunayan ng Valenzuela na ang Pasko ay para sa mga batang Special Needs Education (SNED) Holiday 2024 na taunang […]
-
LRT, MRT may train schedule ngayong Holiday season
December 7, 2024MAGPAPATUPAD ng schedule adjustments ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ngayong Holiday Season, bunsod na rin nang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, layunin ng schedule adjustments na mas maraming pasaherong makasakay sa mga train […]
-
Megawide kinuha ng SMC upang gumawa ng bagong terminal building sa Caticlan airport
December 7, 2024KINUHA ng San Miguel Corp. (SMC) ang infrastructure-conglomerate na Megawide Construction Corp. upang sila ang mag develop ng Caticlan airport upang maging isang world-class na airport ito. Ayon sa Megawide nakuha nila ang kontrata para gawin ang design at ang pagtatayo ng bagong passenger terminal building sa Caticlan airport. Ang […]
-
Gastos sa biyahe abroad ng OVP noong 2023, triple tinaas — COA
December 6, 2024TRIPLE ang tinaas ng halaga ng gastos sa pangingibang bansa ng mga opisyales ng Office of the Vice President noong 2023 na umabot sa P42.58 milyon. Ayon sa Commission on Audit (COA), mas mataas ito ng 648% o nasa P11.15 milyon mula sa P1.49 milyong foreign trips ng OVP noong 2022. […]
-
Quezon City-LGU mas pinaigting kampanya laban sa dengue
December 6, 2024MAS pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang programa nito kontra dengue kung saan hinihikayat ang QCitizens na makipag-tulungan sa mga ginagawang clean-up drive upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan pagdami ng mga lamok na may dalang sakit. Bukod dito, tuloy din ang pamamahagi ng dengue flyers para […]
-
‘Half cup rice isusulong ng DA
December 6, 2024PATULOY na isusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad sa half-cup rice sa mga restaurant bilang tugon sa mga naaaksayang kanin. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, tugon ito ng ahensiya bagama’t bumaba ang data ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa 255,000 metric tons ang household rice wastage sa […]
-
40% modernized PUV’s, nakikitang makakamit ng bansa sa 2027 –LTFRB
December 5, 2024NAKIKITA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makakamit na ng bansa ang 40% ng mga modernized PUV’s sa taong 2027 bunsod pa rin ng patuloy na pagpapatupad ng implementasyon ng public utility vehicle modernization program (PUVMP). Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ang mga jeepney operators na […]
-
MUSEO PAMBATA, MULING BUBUKSAN
December 5, 2024MATUTUNGHAYAN muli ang kauna-unahang children’s museum sa muling pagbubukas nito sa Biyernes ,Disyembre 6, ilang araw matapos ang pagdiriwang ng 30th anniversary nito. Ang muling pagbubukas ng museum ay makaraang ipasara dalawang taon na ang nakalilipas o noong panahon ng pandemya at sumailalim din sa renovation. Ibinahagi ni Museo […]
-
IMPLEMENTASYON NG 2 MEMO UKOL SA PAGGAMIT NG IMPROVISED PLATES, NANANATILING SUSPENDIDO – LTO
December 5, 2024NILINAW ng Land Transportation Office (LTO) nitong Martes, Disyembre 3, na ang implementasyon ng 2 memorandum ukol sa paggamit ng improvised plates ay nananatiling suspendido “hanggang sa karagdagang abiso.” Naglabas ng pahayag ang LTO kasunod ng mga tanong at alalahanin mula sa mga motorista na naghahanap ng update sa implementasyon ng Memorandum […]
-
Barko ng PCG, muling hinarass
December 5, 2024NAKATIKIM muli ng pangha-harass ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa mga barko ng China. Ayon kay CG Commodore Jay Tarriela, ginamitan ng water Cannon ng China Coast Guard (CCG) vessel 3302 ang BRP Datu Pagbuaya ng BFAR at PCG . Ang insidente ay nangyari kaninang alas 6:30 ng […]