₱40B COVID-19 vaccines, maaaring masayang dahil sa mababang vax turnout — Concepcion
- Published on April 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapaso’ o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout.
“Yes, I’m told the cost of all of these vaccines amount to ₱40 billion.” Concepcion said in a public briefing. “Siyempre iba diyan dinonate ng COVAX facility, so wala naman bayad tayo diyan. I think it’s about, If I’m not mistaken, about 30 million vaccines.”ayon kay Concepcion.
“Aside from ‘yung pera na bilyon ang masasayang, syempre ‘yung mga vaccines na that will be available at that time, mas kakaunti,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Siyempre, you cannot use an expired vaccine.”
Matatandaang sinabi ni Concepcion na may 27 milyong bakuna na binili ng gobyerno at pribadong sektor ang nakatakdang ma-expire sa Hulyo.
Ang halaga ng perang masasayang dahil dito ay ₱13 bilyong piso.
“As of April 18,” makikita sa data ng pamahalaan na may kabuuang 114.78 milyong indibiduwal ang nabakunahan laban sa COVID-19. sa nasabing bilang, 72.01 milyon ang nakatanggap ng one dose; 66.97 milyon naman ang fully vaccinated; at 12.68 milyon ang nakatanggap ng booster shots.
Dahil dito, hinikayat ni Concepcion ang publiko na magpabakuna na upang mapanatili ang “wall of immunity” sa bansa.
“We are trying not just to save these vaccines from getting wasted, but what’s more important is we are trying to save yung economy natin,” ayon kay Concepcion. (Daris Jose)
-
Mayor Sara ‘out’ na sa presidential race
Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may malaking oportunidad pa na naghihintay kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio lalo na at bata pa naman ito. Ito ang pahayag ng pangulo kasabay ng kanyang pakikipagkita sa kanyang spiritual adviser na si Pastor Apollo Quiboloy kagabi kung saan agad itong umuwi ng Davao matapos […]
-
Jared Leto’s Transformation Into the Enigmatic Antihero ‘Morbius’
FROM dying to being more alive than ever… but there’s a catch. Jared Leto talks about the incredible transformation of Dr. Michael Morbius in the newly-released vignette for Columbia Pictures’ upcoming Marvel action-thriller Morbius. Check out the ‘Transformation’ vignette below and watch Morbius exclusively in cinemas across the Philippines on March 30. […]
-
Filipino actors, bida sa Romanian film na ‘To The North’: Movie ni JOHN LLOYD, magku-compete din sa ‘2022 Venice Film Festival’
TATLONG Filipino actors ang mga bida sa Romanian film na To The North at magku-compete ito sa Orizzonti section ng 2022 Venice Film Festival. Ang Love You Stranger actor na si Soliman Cruz ang bida sa To The North na tungkol sa isang religious Filipino sailor na si Joel na sakay ng […]