• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1.5-M pang Sinovac COVID-19 vaccine doses, dumating sa PH

Karagdagang 1.5 million pang doses ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine na gawa ng Sinovac ang dumating sa Pilipinas kahapon, Huwebes.

 

 

Kabilang sa pinakabagong shipment na ito ang 500,000 doses na binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., na siyang pinaka-unang batch ng COVID-19 vaccines na dumating sa Pilipinas na binili mismo ng private sector.

 

 

Sa panibagong supply na ito, umakyat na sa 9 million doses ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac sa bansa.

 

 

Kabilang na rito ang 1 million na donasyon ng Chinese government.

 

 

Kung isasama ang iba pang brands ng COVID-19 vaccine na dumating sa Pilipinas sa mga nakalipas na buwan, kabuuang 13.2 million doses na ito. (Gene Adsuara)

Other News
  • 95,300 katao nasalanta ni ‘Amang’ — NDRRMC

    HALOS 100,000 katao na ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ämang”sa sari-saring parte ng Pilipinas, bagay na nag-iwan ng milyun-milyong pinsala at mga residente sa evacuation centers.     Sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Biyernes, pumalo na sa 95,337 katao na ang naapektuhan ng naturang sama ng panahon:   Apektadong […]

  • Ads January 28, 2020

  • LTO hiniling na suspendihin ang NCAP

    HINILING  ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) habang ang mga regulasyon ay inaayos at nirerepaso pa.       Ito ay sa gitna ng mga reklamo mula sa mga public utility vehicle drivers at mga pribadong may-ari ng mga sasakyan.   […]