1.69 milyong doses ng Pfizer, Sputnik, Sinovac darating ngayong Abril
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahan ang pagdating ngayong buwan ng nasa 1.695 milyon doses ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.
Kabilang sa darating ang inisyal na suplay ng Sputnik V na gawa ng Gamaleya Research Institute ng Russia, Sinovac ng China at Pfizer ng Amerika.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 500,000 doses ng CoronaVac na gawa ng Sinovac ang darating sa Abril 22, bukod pa sa 500,000 doses sa Abril 29.
Ngayong Abril aniya makukumpleto ang pagdating ng CoronaVac.
Sinabi rin ni Roque na may inisyal na 20,000 doses ng bakuna mula sa Russia ang darating bukod pa sa 480,000 doses bago matapos ang buwan.
Inaasahan din ang pagdating ng 195,000 doses ng Pfizer vaccines bago matapos ang buwan. (Daris Jose)
-
PBBM, pinag-iisipan na gayahin ang state-run mall ng Indonesia para sa Pinas
PINAG-IISIPAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtayo ng state-run malls sa PIlipinas. Layunin nito na i-promote ang micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs) at lokal na produkto. Sumagi sa isipan ni Pangulong Marcos ang nasabing ideya matapos na bigyan siya ni Indonesian President Joko Widodo ng tour sa isang mall […]
-
NCR mananatili sa GCQ – Duterte
INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City. Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief Executive. “Ang […]
-
Kung siya ang masusunod, patitigilan nang magbarko:: KOKOY, makabagbag-damdamin ang kuwento sa ama na seafarer
MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang kuwento ni Kokoy de Santos tungkol sa ama niya na isang Pinoy seafarer na na-hostage noon sa Somalia habang nasa barko. Ang masaklap pa nito, may sakit sa puso ang ina ni Kokoy. Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes ay ibinahagi ito ng Sparkle male artist. […]