1.89 milyong Pinoy walang trabaho noong Setyembre
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
NABAWASAN ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho na naitala sa 1.89 milyon o 3.7 percent noong Setyembre 2024.
Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay mas mababa sa 2.07 milyon jobless Pinoy o nasa 4.0 percent noong Agosto ngayong taon.
Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na tumaas naman sa 96.3 percent o 49.87 milyong Pinoy ang may trabaho noong Setyembre samantalang 96.0 percent o nasa 49.15 milyon na may trabaho noong Agosto.
Sinabi ni Mapa na mayroon ding 5.94 milyon mula sa 49.87 milyong may trabahong indibidwal ang nagsabing gustong magkaroon ng karagdagang oras sa trabaho, magkaroon ng karagdagang trabaho, o magkaroon ng bagong trabaho na may mas mahabang oras na trabaho.
Ito anya ay nangangahulugan na ang underemployment rate noong Setyembre ay tumaas sa 11.9 percent mula sa 11.2 percent noong Agosto 2024.
-
Jeepney group humihingi ng P5 fare hike
ISANG grupo ng mga jeepney operators at drivers ang humingi ng tulong sa pamahalaan na payagan silang magtaas ng pamasahe ng P5 sa mga public utility jeepneys (PUJs). Ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ay naghain ng isang petition para sa fare hike ng mga PUJs sa […]
-
Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island. Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume. Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake. Dahil dito, nananatili ang […]
-
Pondong nailabas na ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga healthcare workers, P16 B na
PUMALO na sa P16.11 bilyong piso na ang kabuuang nailalabas na pondo ng gobyerno para sa benepisyo ng mga healthcare workers. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, iniulat ni DOH Secretary Francisco Duque na nasa 79,662 eligible healthcare workers ang nakatanggap na ng SRA o special risk allowance as of […]