• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1-buwan libreng sakay sa MRT-3, simula sa Marso 28

MAGKAKALOOB ng isang buwang libreng sakay ang   Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)  simula sa Marso 28, 2022.

 

 

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, nabatid na tatagal ng mahigit isang buwan ang libreng sakay o hanggang sa Abril 30, 2022.

 

 

Ang naturang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni Pang. Rodrigo Duterte sa publiko nitong Martes matapos na pangunahan niya ang isang seremonya na idinaos bilang hudyat nang pagtatapos ng MRT-3 Rehabilitation Project, na pinondohan ng pamahalaan at ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

 

“With the joint efforts of these companies and the DOTr, we’ve increased our train speed from 25 km/ hour to 60[km]/hour, while the time interval between train arrivals has improved to 8 to 10 mi­nutes,” dagdag pa ng pangulo.

 

 

Kasabay nito, inianunsiyo rin naman ng pangulo na mula sa dating 12 hanggang 15 lamang, umaabot na sa 18 hanggang 22 train units ang available at bumibiyahe sa naturang rail line upang magserbisyo sa mga mamamayan.

 

 

Kabilang din sa nakumpletong rehabilitation project ang upgraded signaling, communications, at CCTV systems.

 

 

Natapos din ang pagkukumpuni sa lahat ng station escalators at elevators, at ang instalasyon ng air conditioning units sa loob ng mga tren.

 

 

Ang MRT-3 na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nagdurugtong sa North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City. (Gene Adsuara)

Other News
  • NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 15 mga estudyante at kanilang mga magulang ang isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang Navoteño na nagpakita ng kakaibang kakayahan sa sining.     Sila ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025 na […]

  • Dating Pangulong Duterte, dapat humarap sa Quad-Committee

    NANAWAGAN si Rep. Jude Acidre ng Tingog Partylist kay dating Presidente Rodrigo Duterte na harapin ang Quad-Committee kasunod na rin sa naging testimonya nito sa senado ukol sa kanyang anti-drug campaign.   “Duterte’s admissions about his ‘death squad’ and his chilling willingness to command extrajudicial killings reveal a leader who has absolutely no regard for […]

  • Ilang transmission lines sa Visayas, Mindanao na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette naibalik na – NGCP

    Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines ang ilan sa mga transmission lines na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette kamakailan.     Ayon sa NGCP, naibalik na ang mga sumusunod na transmission lines hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali:   Visayas: San Jose-Culasi 69kV Line Date/Time Out: 16 December 2021 / 9:33PM Date/Time […]