• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 day a week policy, puwedeng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan para mabigyang pagkakataon na makalabas ng bahay ang mga Senior Citizen

IPINAUBAYA  na  ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang  pagpapasya o discretion  kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s partylist na ikunsidera ang mental at emotional health ng mga Senior Citizen.

 

Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry roque, hinahayaan na ng executive branch ang mga LGU na magdesisyon sa usaping ito lalo’t mayroon na aniyang nabuong guidelines ukol dito ang Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Subalit,  sinabi ni Sec. Roque na maaari namang gayahin o i-adopt ng bawat LGUs sa bansa ang ipinatutupad ng ilang lokal na pamahalaan na pagbibigay pahintulot sa mga senior citizen na makalabas ng isang araw sa loob ng isang linggo.

 

Kumbinsido si Sec. Roque na ang ganitong  uri ng patakaran ay maaaring gawin ng bawat LGU para sa kapakanan at kalusugan ng lahat ng senior citizen  sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Habang wala pang bakuna ang DOH: Halamang gamot vs pertussis, itinulak

    ITINUTULAK ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang paggamit ng herbal medicine para labanan ang pertussis outbreak sa ilang bahagi ng bansa, habang hinihintay ng Department of Health (DOH) ang pagdating ng anti-pertussis pentavalent vaccine.     Noong Martes, inirekomenda ni Tolentino ang paggamit ng lagundi, isang halamang gamot sa ubo at sipon, na sagana sa […]

  • Walo sa sampung Pinoy, pabor pa rin na maibalik sa ere ang ABS-CBN

    KARAMIHAN o walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magbalik ang ABS-CBN’s sa telebisyon at radio, ayon sa isang recent mobile-app survey na nai–report sa isang major daily noong January 30.     Nang tanungin kung pabor sila sa pagbabalik ng ABS-CBN sa nationwide broadcast operations, sinabi ng walo sa bawat 10 respondents sa […]

  • Ads March 16, 2023

    adsmar_162023