• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 gradweyt kada pamilya, target ni Bong Go

Inihayag ni Senator Bong Go sa harap ng grupo ng mga negosyan­te ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagsustine sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa.

 

 

Sa Presidentiables Forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kasabay ng 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ni Go na kinakailangang matukoy ang 10 milyong pinakamahihirap sa hanay ng mahihirap para mabigyan sila ng pang-pinansiyal na ayuda at hanapbuhay.

 

 

Kapag natukoy, nais ni Go na tulungan ang bawat pamilya na magkarooon ng isang anak na napagtapos sa pag-aaral.

 

 

Sinabi ni Go na kapag siya ay nahalal, kanyang ipagpapatuloy at pag-iibayuhin ang mga naging accomplishments ng Duterte administration.

 

 

Sa ngayon, sinabi ni Go na may tinatayang 1.6 million mahihirap na Filipino students ang nakapag-aaral nang walang binabayaran sa tuition at miscellaneous fees dahil na rin sa Free Higher Education program ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Fil-Canadian tennis player Leyla Fernandez tiniyak ang malakas na pagbabalik sa US Open

    Umaasa si Filipino-Canadian tennis player Leyla Fernandez na magtatagumpay na sa kaniyang pagbabalik sa paglalaro sa US Open.     Ito ay matapos na mabigo siya kay Emma Raducanu sa finals ng US Open.     Ikinumpara pa ng 19-anyos na si Fernandez ang sarili sa New York na matapos ang 20 taon na September […]

  • Pagtutulak para sa Alert Level 1 sa NCR, walang kinalaman sa halalan- MMDA exec

    WALANG kinalaman sa nalalapit na halalan sa Mayo at nagpapatuloy na political campaigns ang hakbang ng mga Metro Manila mayors na ibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at general manager Romando Artes, ibinase ng mga alkalde ang kanilang rekomendasyon sa […]

  • Pinas, hinikayat ang US, China na ‘i-manage ang rivalry’ sa gitna ng umiigting na tensyon sa Taiwan

    HINIKAYAT ng Pilipinas ang Estados Unidos at China na “manage their strategic rivalry with dialogue” and “sincere engagement” sa gitna ng tumitinding tensyon sa Taiwan.     Sa naging talumpati ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa  idinaos na Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum sa Washington D.C., Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, […]