• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 milyong relief items kasado na – DSWD

MAY isang milyong relief items ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong Mawar.

 

 

Ito ang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatcha­lian sa isinagawang inter-agency meeting ng NDRRMC na bahagi ng preparedness measures ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Gatcha­lian, bukod sa family food packs (FFPs) ay mayroon na ring 307,664 non-food items (NFIs) ang naka-posisyon sa strategic locations at warehouses sa iba’t ibang rehiyon pati na sa DSWD National Resource O­perations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC).

 

 

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong nakahanda na ang augmentation support ng DSWD sa mga LGU na maapektuhan ng super typhoon.

 

 

Nagpasalamat naman ang kalihim sa Department of National Defense (DND) sa tulong nito para maihatid ang relief packs sa Batanes na isa sa mga lalawigang tinututukan ng pamahalaan.

 

 

Sa ngayon, tuluy-tuloy na ang pakikipag-ugna­yan ng DSWD sa mga concerned LGUs upang masiguro ang sapat na tulong na ipagkakaloob sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo. (Ara Romero)

Other News
  • Team Phlilippines matindi ang laban sa 2023 Southeast Asian Games

    DETERMINADO ang Cambodia na maging overall champion ng 32nd Southeast Asian Games na ka­nilang pamamahalaan sa susunod na taon.     Sa katunayan ay iniha­yag ang host country ang pag­lalatag ng 608-event, 49-sport sa bienial meet na idaraos sa Phnom Penh at Siem Reap sa Mayo 5-16 sa 2023.     Sinabi rin ng Cambodia […]

  • Ads September 5, 2022

  • NCR, mananatili sa Alert level 2 hanggang katapusan ng Nobyembre

    MANANATILI sa  Alert Level 2 ang  National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.     Bukod sa NCR, ang mga  lugar ng  Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros […]