1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.
Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.
Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo na sumuko.
Matatandaang una nang nadakip ang mga kapatid ni Anselmo na sina Alden at Adonis na kapwa persons of interest sa karumal-dumal na krimen.
Ang magkakapatid ay pawang mga suspek sa pamamaslang kina Glydel Beloni, 23 at Mona Ismael Habibolla, 22, kapwa nursing graduate at estudyanteng si Arjay Belencio , 22.
Natagpuan ang tatlo na tadtad ng mga saksak sa katawan at naliligo sa ariling dugo sa loob ng kanilang ipinagagawang bahay sa Catmon St., Phase 1, Brgy. 179, Amparo Subd., Caloocan City.
Nawawala ang mga ATM at mahahalagang gamit ng mga biktima. Nahaharap ang mga suspek sa kasong murder. (Gene Adsuara)
-
10 FILMS TO CATCH ON HBO THIS OCTOBER 2020
WHICH of these films are you putting on your watch lists? Love films, but don’t know which ones are showing at a certain time? We got you covered! We’re giving you a rundown of some of this months must catch films on HBO if you’ve been wanting to plan your movie nights ahead of […]
-
Bakit naka uniform si Fajardo pero hindi naglaro sa SMB vs Magnolia?
JUNE Mar Fajardo ay naghahanap na maglaro sa susunod na laro ng San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup habang naghihintay ng clearance mula sa mga doktor. Sa wakas ay nagpakita ng uniporme ang six-time.MVP noong Miyerkules, ngunit hindi pinasok ni coach Leo Austria sa 85-80 pagkatalo sa Magnolia noong Miyerkules ng gabi sa Smart […]
-
Superliga beach volleyball, kinansela
TULUYAN nang kinansela ng Philippine Superliga ang kanilang Beach Volleyball Cup dahil sa pananalasa at matinding epekto sa bansa ng super bagyong Rolly. Sinabi ng PSL na nagkasundo na lamang sila na ituloy sa Pebrero 2021 ang kompetisyon. Ayon sa ulat, target sanang isagawa ng beach volleyball nitong Nobyembre 26-29 sa Subic Bay […]