• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 sugatan, 20 tahanan sa sunog

SUGATAN ang isang lalaki matapos na mabagsakan ng kawad ng kuryente habang nadamay ang may 20 bahay ang nadamay sa naganap ma sunog sa isang residential house, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

 

Isinugod sa pagamutan ang biktima nakilalang si Michael Floranza, 37, na nagkaroon ng sugat sa kaliwang paa matapos umanong mabagsakan ng kawad ng kuryente sa kasagsagan ng sunog.

 

Ayon sa Manila Fire Department, pasado alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa panulukan ng Galicia at Aranga Streets, sa Sampaloc.

 

Nabatid na ang apoy ay nagsimula sa isang tatlong palapag na tahanan sa 616-F Aranga Street, na pagma-may- ari ng isang Nora Nocedal.

 

Hindi kaagad naapula ang apoy dahil kinapos sa tubig ang mga fire truck at may kalayuan ang fire hydrant sa lugar ng sunog.

 

Alas 11:26 na ng gabi nang tuluyang ideklarang fireout ng mga awtoridad ang sunog, na umabot ng ikatlong alarma.

 

Habang ang mga nasunugan na residente ay nagkanlong sa isang bakanteng lote malapot sa lugar bitbit ang mga naisalbang kagamitan.

 

Sanhi nang naganap na aunog hindi na nasunod ang physical distancing sa pagmamadali ng mga nasunugan na makapagsalba ng kanilang kagamitan.

 

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog kung saan tinatayang nasa P300,000 ang napinsalang ari- arian. (Gene Adsuara)

Other News
  • Kasama ang furnitures at parking space: Posh condo unit ni CARLA, binebenta na ng below market value

    MAY Instagram post si Kapuso actress Carla Abellana, na for sale ang kanyang posh condominium unit at The Grove by Rockwell in Pasig City.      Kasama na raw sa selling price ang lahat ng furnitures, ganoon din ang parking space na umaabot ng one million pesos.     Reportedly, okey din kay Carla kung […]

  • Libreng sakay ng MRT-3 malaking ginhawa para sa mga APORs

    Menos gastos at maginhawang biyahe ang dulot ng libreng sakay ng MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs), sa nagpapatuloy ng nasabing programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR.     Ayon sa mga bakunadong APORs, malaki ang naititipid nila sa libreng pamasahe araw-araw at magmula noong August 21. […]

  • Ads January 14, 2022