1-year after Kobe Bryant’s death: US transportation board ilalabas ang ‘probable cause’ sa chopper crash
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatakdang isapubliko ng National Transportation Safety Board (NTSB) sa Amerika sa kanilang board meeting sa Feb. 9, 2021 ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter ng basketball legend na si Kobe Bryant na kasama ang anak at iba pa.
Kasabay nito, maaari rin daw maglabas ang NTSB ng ilang serye ng safety recommendations kasunod ng naturang malagim na trahedya.
Kung maalala eksaktong isang taon na nang mangyari ang helicopter crash sa gilid ng kabundukan ng Santa Monica Mountains malapit sa Calabasas, California.
Sina Kobe ay papunta sana sa youth basketball tournament nang makasalubong ng piloto ang makapal na hamog hanggang sa bumagsak sila.
Sa ngayon maraming kaso pa ang nakabinbin, pati mga lawsuits na hindi pa rin nareresolba ng korte at ng mga imbestigador.
Ang misis ni Bryant na si Vanessa ay naghain din ng ilang mga kaso maging sa namamahala sa helicopter.
-
ARJO, mukhang tuloy na tuloy na ang pagpasok sa pulitika; nagparamdam na sa District 1 ng QC
MAY nakita kaming litrato ng isang sasakyan na may pangalan ni Arjo Atayde. May nakasulat din na pangalan ng isang konsehal sa isang parte ng sasakyan. Does this mean na tatakbo sa election ang award-winning actor na anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde? As of now ay tahimik ang kampo ni Arjo […]
-
Bulacan, nakapagbakuna ng higit 5 milyong doses ng bakuna kontra COVID
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Lalawigan ng Bulacan ng kabuuang 5,240,671 doses ng bakuna laban sa COVID-19 kabilang ang una at ikalawang dosis, single doses, at booster shots noong Abril 17, 2022. Ayon sa covid19updates.bulacan.gov.ph website, 2,281,195 Bulakenyo ang kumpleto na ang bakuna habang 2,418,385 naman ang tumanggap ng kanilang unang doses. Tinatayang 75.68% ng […]
-
PBBM, pinuri ang PH-FRANCE direct flight initiatives, scholarship programs para sa mga Filipino student
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatiba ng French government na buksan ang direct flight mula Manila patungong Paris at plano nito na palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino students. Pinasalamatan ng Pangulo si outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz na ipinabatid sa Pangulo ang plano […]