• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 hanggang 65 taong gulang pinapayagan nang lumabas ng bahay

MAAARI nang lumabas ng bahay, makapamasyal at makabisita sa mga kamag-anak ang mga indibidwal na may edad na 10 hanggang 65 taong gulang.

 

Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i-relax ang age-based restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1 , 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakapaloob sa IATF Resolution No. 95 na ang sinuman na may edad na 10 taon pababa at mahigit 65 taong gulang ay kinakailangan pa ring palagiang manatili sa kanilang bahay.

 

Sa ilalim pa rin ng IATF Resolution No. 95, ibinaba ang age-based restrictions sa sampung taon mula sa dating 18 years old.

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng IATF ang Local government units (LGUs) na i-adopt ang kahalintulad na relaxation ng age-restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim naman ng General Community Quarantine (GCQ).

 

Niratipikahan din sa idinaos na 95th IATF meeting ang National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19, na siyang magsisilbing guide para sa vaccination implementers, gaya ng LGUs.

 

Ang naging kahilingan naman ng Professional Regulation Commission na magsagawa at mangasiwa sa licensure examinations para sa professionals na itinakda para sa buwan ng Enero hanggang Marso 2021 ay aprubado.

 

Samantala, inamiyendahan naman ng IATF ang nauna nitong resolusyon, “IATF Resolution No 92, on all foreign travelers covered by travel restrictions because of the new COVID-19 variants by specifying those exempted, such as foreign nationals with valid visas, which include personnel of accredited international organizations, and spouse and minor children of Filipino citizens traveling with them. Those who arrive for medical and emergency cases, including their medical escorts, if any, are now subject to applicable testing and quarantine protocols as prescribed by the Department of Health (DOH). ”

 

Mula sa mahigpit na obserbasyon ng 14 day facility-based quarantine period para sa mga mamamayang Filipino na magmumula sa mga lugar kung saan ang umiiral ang travel restrictions, inamiyendahan ito ng IATF para magtakda ng testing at quarantine protocols.

 

Idagdag pa na ang mga mamamayang Filipino na dumating naman para sa “highly exceptional or medical reasons at local diplomats ay “subject to applicable quarantine protocols” na itinakda ng DOH.

 

Hinggil naman sa testing at quarantine protocols para sa mga pasahero na manggagaling o bibyahe mula sa bansang may nakataas na travel restrictions dahil sa bagong COVID-19 variants, ang mga incoming passengers ay susuriin kaagad sa kanilang pagdating at ika-quarantine hanggang ang resulta kasunod ng test na pinangasiwan sa ikalimang araw ay ipinalabas.

 

Samantala, inamiyendahan din ang seksyon na may kinalaman sa hotels o accommodation establishments sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa Pilipinas na ipinanukala ng Department of Tourism.

 

Matatandaang, nauna nang inirekomenda ng DTI ang pagluluwag sa harap ng target ng pamahalaan na mas mapalakas pa ang takbo ng mga negosyo sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Abalos, target na paghusayin ang kakayahan ng PNP pagdating sa anti-cybercrime

    TARGET ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na paghusayin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP).     Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang flag ceremony sa PNP,  ipinahayag ni Abalos ang kanyang saloobin at alalahanin ukol sa tumataas na cybercrime,  kabilang na ang cyberpornography, simula ng magsimula […]

  • Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI, ibinasura ng korte

    IBINASURA  ng korte ang mosyon ng aktor/TV host na si Vhong Navarro na manatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape na kinaharap nito.     Una nang inihain ni  Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, ang isang urgent motion upang mapanatili sa kustodiya ng NBI ang aktor. […]

  • Ads April 16, 2021