10 pang ruta ng mga PUJs, binuksan sa Metro Manila; higit 1-K jeep, makikinabang
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
Mahigit 16,000 na ngayon ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) ang balik kalsaa matapos nang payahan ng Land Trnasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 10 ruta dito sa Metro Manila.
Sa pagbubukas ng mga ruta aabot naman sa 1,006 na otorisadong jeepneys ang bibiyahe sa iba’t ibang ruta.
Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular No. 2020-043 kabilang sa mga rutang papayagang bumiyahe ang T138 Edsa/North Ave.-Quezon City Hall; T139 Marcos Ave.-Quirino Highway via Tandang Sora; T340 Dapitan-Libertad via L. Guinto; T341 Divisoria-Retiro via JA Santos; T342 Divisoria-Sangandaan; T395 Libertad-Washington; T396 Baclaran-Escolta via Jones, L. Guinto; T397 Baclaran-QI via Mabini; T398 Blumentritt-Libertad via Quiapo, Guinto at T399 Blumentritt-Vito Cruz via L. Guinto.
Mahigpit pa rin naman ang paalala ng LTFRB na huhuliin nila ang mga jeepney na bibiyaheng wala sa mga otorisadong ruta.
Kung maalala, mula noong isailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) noong Hulyo, napatupad agad ang LTFRB ng “calibrated at gradual opening” ng public transportation sa Metro Manila at kalapit na mga probinsiya.
Ang mga jeepney din na papayagan ay ang mga road worthy at susunod sa health protocols na itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF).
-
Hinuhulaan pa rin kung kailan ang kasal: ARJO at MAINE, nanggulat sa pasabog na photoshoot para sa cover ng magazine
ANG bongga ng photoshoot ng magkasintahan na Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde na suot formal wear para sa Mega magazine. Nakasuot ang aktres at ang representative ng Kyusi ng traditional wear para sa isang magazine cover para buwan ng Hunyo na kinunan ng photographer na si Mark Nicdao sa Palacio de Memoria, Parañaque City. […]
-
72 NFL players nagpositibo sa coronavirus
Umaabot sa 72 mga US football players ang nagpositibo sa COVID-19. Kinumpirma ito ng National Football League palyer’s union matapos ang isinagawang malawakang pagsusuri sa mga manlalaro. Hindi naman nila binanggit kung ilan sa halos 2,900 na manlalaro ng NFL ang natapos na sumailalim sa pagsusuri. Ang nasabing test results ay lumabas […]
-
PhiSys malapit ng maabot ang 50-M national ID na target
KUMPIYANSA ang PhilSys Government Service na maabot nila ang 50-milyon target na national ID na dapat mai-release noong nakaraang taon. Umabot na kasi sa 23-milyon na physical ID ang kanilang nai-release habang mayroong 19 milyon na electronic Pil ID ang nairelease. Target nila ngayong taon na mairelease ang 92 milyon na […]