• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 pasahero na COVID-19 positive tumakas sa India

HINAHANAP na ng mga otoridad sa India ang nasa 10 pasahero na tumakas mula sa paliparan ng Amritsar City.

 

 

Ang nasabing mga pasahero aniya ay nagpositbo sa COVID-19 subalit sila ay tumakas.

 

 

Sinabi ni senior district officer Ruhee Dugg na lulan ng international chartered flight ang mga pasahero mula Italy na mayroong 125 pasahero ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating nila sa nasabing bansa.

 

 

Ayon naman kay Amritsar airport director V.K. Seth na 160 pasahero ang sumailalim sa testing kung saan 19 sa kanila ang exempted dahil mga menor-de-edad ang mga ito.

 

 

Nagawang nakatakas ang mga pasahero ng humiwalay ang mga ito sa grupo ng pasahero habang dinadala sana sa quarantine facility.

Other News
  • Pinoy boxer Eumir Marcial umaasa pa rin ng suporta sa ABAP sa pagtungo nito sa US

    HINDI pa tiyak ni Philippine national boxer Eumir Felix Marcial kung suportado ito ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) sa pagsisimula na ng kaniyang ensayo para sa mga professional fights.   Nasa US na kasi si Marcial kung para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons.   Nais […]

  • ‘McGregor, nais kong unahin sa 2021 ring comeback’ – Pacquiao

    Inamin ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao na si UFC superstar Conor McGregor ang una nitong gustong makalaban sa oras na magbalik na ito sa boxing ring sa susunod na taon.   Ayon kay Pacquiao, nais niya raw maranasan na makaharap sa ibabaw ng boxing ring ang isang MMA fighter.   Nilinaw naman ng […]

  • Paglagda ng PH sa Free Trade Agreement sa Australia, New Zealand malaking gain sa agriculture at technology trade – solon

    NANINIWALA si House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st District Representative Mark Enverga na malaki ang magiging “gain” sa agriculture and technology trade ang paglagda ng Pilipinas sa Free Trade Agreement sa Australia at New Zealand.     Ayon kay Rep. Enverga magiging maganda ang prospective para sa sektor ng agrikultura sa […]