• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 pelikula para sa 50th MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ILANG araw bago ang kapaskuhan, inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon para sa 10 pelikula na kalahok sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF).

 

 

Sa Disyembre 25 ang umpisa ng film festival. Pito sa 10 pelikula ang pamilyang Pilipino.

 

 

Tiniyak ng MTRCB na nabigyan ng angkop na klasipikasyon batay sa umiiral na pamantayan ng Ahensiya.

 

 

Ang romantic comedy na “My Future You,” ay rated G at angkop para sa lahat ng manonood.

 

 

Ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda na “And the Breadwinner is…” at “Green Bones,” na mula sa panulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, ay rated PG.

 

 

Ibig sabihin, ang mga batang edad 13 at pababa ay kailangang kasama ang magulang o nakatatanda sa sinehan.

 

 

Rated PG din ang mga pelikulang “Espantaho,” na pinagbibidahan ng mga premyadong aktres na sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; “Hold Me Close,” mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana, at pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Julia Barretto; ang action-adventure na “The Kingdom,” kasama sina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual; at ang musical na “Isang Himala,” mula sa direksyon ni Pepe Diokno at sa panulat nilang dalawa ni Ricky Lee.

 

 

R-13, o para lamang sa edad 13 at pataas, ang horror na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” dahil sa tema, lenggwahe, at ilang eksena na hindi angkop para sa mga batang edad 13 at pababa.

 

 

Ang “Uninvited,” na pinagbibidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, Aga Muhlach at Nadine Lustre ay rated R-16 dahil sa matinding tema at maseselang eksena.

 

 

Ang “Topakk,” o mas kilala bilang “Triggered” sa ibang bansa, ay nagsabmit ng dalawang bersyon at tumanggap ng R-16 at R-18.

 

 

Taos-pusong nagpasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga pelikulang kalahok ngayong taon.

 

 

“Isang pribilehiyo po para sa amin sa MTRCB na makatrabaho ang MMFF para sa pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino ngayong pasko. Ang mga pelikulang ito ay hindi lamang nakakapagpasaya kundi nagpapakita rin ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang mga Pilipino,” sabi ni Chair Lala Sotto-Antonio.

 

 

“Hinihikayat natin ang publiko na suportahan ang ating lokal na pelikula. Ang bawat palabas na ito ay binuo ng mga propesyunal at may pagmamahal. Ang ika-50 edisyon ng MMFF ay sumasalamin sa matatag at pagiging malikhain ng pelikulang Pilipino,” dagdag pa niya.

 

 

Ngayong ika-5 dekada ng MMFF, nagpasalamat si Chair Lala sa mga stakeholder para sa di matatawarang pagmamahal nila sa industriya ng paglikha.

 

 

“Nais naming pasalamatan ang lahat, mula sa producers, direktor, artista, at sa bumubuo ng MMFF para sa kanilang kooperasyon upang mabigyan ng Board ng angkop na klasipikasyon ang 10 pelikula,” sabi pa niya.

 

 

“Tinitiyak namin na ang mga pelikula ay ligtas panoorin ng lahat batay sa angkop na edad habang ini-enjoy ang palabas sa loob ng sinehan.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • Nang mag-asawa at tumira sa Cebu: KAYE, natupad ang lahat nang pinapangarap sa buhay

    MULA nang pasukin ang showbiz ay sa Cavite nanirahan at doon na rin lumaki ang isang Kaye Abad.       Kung ilang beses na rin naman kaming naimbitahan ni Kaye sa bahay nila.       Pero nang mag-asawa ay sa Cebu na nanirahan ang magaling na Kapamilya aktres. Kagaya ni Donna Cruz ay […]

  • SC: Inutos na ihinto ang ticketing system ng mga LGUs, sundin ang single ticketing ng MMDA

    PINAG-UTOS ng Supreme Court (SC) na ihinto ng mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapatupad ng kanilang ticketing system at sundin ang single ticketing system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).       Ang single ticketing system ng MMDA ay nagpapatong ng “standardized” na fines at penalties para sa mga traffic violations sa Metro […]

  • Na-consider na mag-judge sa ‘Miss Universe 2023’: BOY, na-disqualified dahil in-interview si MICHELLE sa show

    SA afternoon program ni Boy Abunda na “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA-7, last Tuesday, ipinahayag niya na na-consider siya para makabilang sa panel of judges sa katatapos na Miss Universe 2023 sa El Salvador.       Pero na-disqualified siya dahil sa latest interview niya kay Michelle Marquez Dee sa kanyang talk show.     […]