10 timbog sa drug operation sa Valenzuela
- Published on July 19, 2021
- by @peoplesbalita
SAMPUNG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10 ng Huwebes ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDE) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 6202 S Feliciano St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Guillen Dela Cruz, 27, at Larry Caridad, 43.
Kasama ring dinakip ng mga operatiba si Reynaldo Fulgencio Jr, 45, at Axel Jax Fernando, 30, agent, matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachets ng hinihinalang shabu.
Narekober sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money, P700 cash, 3 cellphones at motorsiklo.
Alas-5 naman ng Biyernes ng madaling araw nang respondehan naman ng kabilang team ng SDEU ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Block 4 Lot 4 De Gula Compound, Brgy. Gen. T De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kina Resty Quintana, 39, Francisco Vasquez, 37, Mark Joseph Boleche, 24, Romeo Gonzales, 61, Edward Billones, 39, at Julius Buezon, 34, matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.
Ani SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu, 2 unsealed plastic sachets na may bahid ng umano’y shabu, cellphone, coin purse at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)
-
Kapitan ng Barangay Kaligayahan muling inireklamo sa Ombudsman
SINAMPAHAN ng panibagong reklamo ni Aljean Abe, isang dating teaching aide sa Barangay Kaligayahan Novaliches QC ang kanilang barangay kapitan na si Alfredo “Freddy” Roxas, ukol sa Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft & Corrupt Practices Act. Nag-ugat ang kanyang bagong reklamo ng makaranas sya at kanyang […]
-
Dating asawa na si Carla, in-unfollow na rin: TOM, balik-socmed na at nag-post ng nakaiintrigang photo
BINASAG na ni Tom Rodriguez ang pananahimik niya sa social media, nang mag-post siya ng isang nakaiintrigang photo sa kabila ng annulment rumors na ipa-file ng wife niyang si Carla Abellana. At balitang nagpapatayo na ito ng bagong bahay habang naghihintay pa siya ng buyer ng kanyang posh condominium unit sa Pasig City. […]
-
Binatilyo, obrero tiklo sa bato at damo sa Valenzuela
DALAWA, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos mabisto ang dala nilang iligal na droga makaraang masita sa pagdadala ng patalim at paglabag sa curfew sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagpapatrolya ang […]