100% face-to-face classes tiyaking ligtas
- Published on June 4, 2022
- by @peoplesbalita
IPINATITIYAK ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ligtas na pagbabalik eskuwela ng milyun-milyong estudyante kaugnay ng plano ng Deparment of Education (DepED) na 100% face-to-face classes sa School Year 2022-2023.
“We welcome this push from the Department of Education for the 100% face-to-face classes by SY 2022-2023. This is actually long overdue. Our pupils have endured two years of blended distance learning which further worsens the education crisis in the country,” ani Castro.
“Face-to-face classes are still the best way for pupils to gain access to quality education,” giit pa ng lady solon.
Ayon sa gurong mambabatas, dapat siguruhin ng DepEd na ang lahat ng mga pasilidad ng mga eskuwelahan ay handa na at sapat para sa ligtas na pagbubukas ng klase. Kabilang ang maayos na bentilasyon sa mga klasrum, air filtration washing, pasilidad ng sanitasyon.
Dapat din aniyang pabilisin ang vaccination programs sa mga guro at estudyante, pagkakaloob ng lingguhang COVID testing sa mga guro at education support personnel para sa mga lalahok sa face-to-face classes.
Iginiit din ni Castro ang mass hiring para sa mga school nurses at bigyan ng pondo para sa pagpapagamot ang mga mai-infect ng virus.
-
Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise
Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal. Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, […]
-
PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!
Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero. Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation. Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang […]
-
Daquis pinasilip ang kurba
Hindi papatinag pagdating sa paseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal High Definition Spikers na ipinasilip ang kanyang alindog sa social media nito lang isang araw. Pinaskil ng 33-taong gulang at may taas na 5-9 ang ilang mga larawan niya sa Instagram kung saan makikita ang taglay pa ring kaseksihan […]