• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 NAVOTEÑO FISHERFOLK NAKATANGGAP NG BANGKA AT LAMBAT

UMABOT sa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco.

 

 

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.

 

 

Nauna rito, 448 fisherfolk din ang nakatanggap ng 540 fishing nets na may iba’t-ibang sukat.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng fiberglass reinforced plastic (FRP) boats ay sumailalim sa training sa boat construction, repair, at maintenance na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

 

Matapos ang training, nagtayo sila ng kanilang sariling mga bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng pamahalaang lokal at 13hp engine, fittings, at iba pang gamit na ibinigay ng BFAR.

 

 

“We started the NavoBangka-buhayan program in 2018 in partnership with DA-BFAR and we saw how it helped our fisherfolk gain a sustainable livelihood. Hopefully, we will have our next batch soon,” ani Tiangco.

 

 

Ipinaalala din ng mambabatas sa mga benepisyaryo na tulungan panatilihing malinis ang kapaligiran. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, inaasahan na magdedesisyon sa Abril ukol sa quarantine restriction

    INAASAHAN na magdedesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buwan ng Abril kaugnay sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Duterte na siya ay mapangahas na bigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya […]

  • Overseas voting sa Shanghai, China on hold pa rin

    ON HOLD pa rin ang Overseas voting sa Shanghai, China dahil pa rin sa mga lockdown na ipinaiiral ngayon doon.     Sa kabila ito ng unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan ay mas mababa na lamang sa 20,000 ang bilang ng ma naitatala sa araw-araw.     Inamin ni […]

  • Pasinaya sa Casa De Polo at paglulunsad ng Coffee Table Book at Cultural Night sa Valenzuela

    BILANG bahagi ng pagwawakas ng selebrasyon ng ika-400 founding anniversary, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Casa de Polo sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang panauhing pandangal na si first lady Louise Araneta-Marcos.     Kasunod nito, ang paglulunsad ng coffee table book ng lungsod na nagha-highlight sa kasaysayan at pag-unlad ng […]