• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,000 PAMILYA SA CEBU BINIGYAN NG LIBRENG PABAHAY NG GOBYERNO – NOGRALES

Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang mga opisyal ng National Housing Authority at LGU ang ginanap na ceremonial turnover ng Yolanda housing units sa Santa Fe, Cebu noong Martes, Abril 20, 2021 na aniya’y katuparan ng pangako ng administrasyong Duterte na kumpletohin at agarang ipamahagi sa bawat benepisyaryo ang mga libreng pabahay.

 

Ang 36th virtual turnover ng 1,000 housing units ay isinagawa sa Sto. Niño Home, Barangay Maricaban, Santa Fe, Cebu sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project sa Central Visayas.

 

Mula nang magsilbing chairperson ng Inter-agency Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected Areas, si Nograles ay nakapag-turnover na ng 4,164 na kabahayan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cebu.

 

Ang mga pabahay na ito ay matatagpuan sa mga sumusunod na munisipalidad ng nasabing probinsiya: Tabuelan (220 units), Daanbantayan (1,863 units), Bantayan (450 units) at Medellin (631 units), at itong pinakahuli sa Santa Fe (1,000 units).

 

Pinuri ng opisyal ng Malacañang ang mahusay na pagpapatupad ng proyekto ng NHA dahil sa aniya’y magaling na pamumuno ni General Manager Marcelino “Jun” Escalada katuwang sina Regional Manager Jude Juntilo, Engr. Jeef Arranguez, Engr. Mary Ann Quimado, at iba pang mga opisyal at kawani ng NHA Region 7.

 

Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa Eddmari Construction and Trading na tumatayong developer ng proyekto dahil sa aniya’y “kanilang suporta at masigasig na pagtatrabaho kaya natapos sa takdang panahon ang mga magaganda at matitibay na yunit ng mga pabahay.”

 

Espesyal ding binanggit ni Nograles ang mahalagang tulong at suportang ibinigay sa naturang proyekto nina Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Secretary Michael Dino, Governor Gwendolyn Garcia, Mayor Ithamar Espinosa, gayundin kina Vice Mayor Naomi Espinosa, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng Santa Fe LGU.

 

“Maraming salamat sa inyong walang humpay na pagsuporta sa ating proyekto upang magbigay ng mga libreng tahanan at pagtanggap sa responsibilidad nang pamamahala upang mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa komunidad na ito.”

 

Nabanggit ni Nograles, na namumuno rin sa Task Force Zero Hunger ng gobyerno na “kumpleto na rin lahat ng probisyong kinakailangan sa mga libreng pabahay na ito tulad ng ilaw at tubig. Magkakaloob din tayo ng mga programang pangkabuhayan sa mga maninirahan dito upang mayroon silang mapagkukunan ng masustansyang pagkain at karagdagang pagkakitaan.”

 

Binigyang diin pa ni Nograles na “kailangan natin magtulungan upang maibsan ang kagutuman at kahirapan na nararanasan ng ating mga kababayan lalo na sa mga Yolanda-affected areas.”

 

“Kaya sa pakikipagtulungan ng Pilipinas Kontra Gutom, balak nating magtayo ng community farms sa mga bakanteng lote na nakatiwangwang lang sa mga Yolanda Housing Sites na maaaring pagtamnan ng iba’t ibang gulay o halaman na magbibigay ng sariwang ng mga pagkain na pang-konsumo sa araw-araw at dagdag na kabuhayan din ng mga residente dito,” dagdag na paliwanag nito.

 

Sa bahagi ni Mayor Espinosa, nagpasalamat siya kay Pangulong Duterte, Nograles at NHA sa napapanahong pagkumpleto ng proyektong pabahay para sa kanyang nasasakupan at nagsabing “ang mga libreng pabahay na ito ay habang-buhay na pahahalagahan ng ating mga benepisyaryo. Naniniwala kami na ang mga tahanang ito ang magsilbing silungan ng mga bagong pangarap tungo sa maunlad na pamumuhay.” (Daris Jose)

Other News
  • A cure at the cost of humanity. “Love You as the World Ends” takes audiences to the heart of the apocalypse

    Humanity is at the brink of destruction, and the cure might entail the ultimate cost. Love You as the World Ends follows a group of survivors fighting for their lives and their loved ones as the Golem virus turns the majority of the human race into rabid zombies.         Watch the trailer […]

  • DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

    INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.     Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.     Paliwanag ni DOTr […]

  • Nagtahan exit ramps ng Skyway 3 binuksan

    Binuksan noong nakarang Huwebes ng San Miguel Corp. (SMC) ang Nagtahan northbound at southbound exit ramps ng elevated Skyway Stage 3.     Sa pamamigitan ng northbound at southbound exit ramps ang mga motorista ay maaari ng dumaan papuntang Sta. Mesa at iba pang lugar deretso na sa Manila.     Ayon kay SMC president […]