10,000 bagong COVID-19 cases naitala sa Pilipinas; total 731K
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
Pumalo na sa lampas 10,000 ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), tinatayang 10,016 ang nadagdag sa COVID-19 cases ng bansa ngayong araw, March 29. Kaya naman umakyat na ang total sa 731,894.
“3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 28, 2021.”
Nasa 115,495 naman ang mga active cases o mga nagpapagaling.
Halos 96% sa mga ito ang mild cases; 2.4% ang mga asymptomatic cases; 0.7% ang mga severe at critical cases; at 0.41% ang moderate cases.
Sa tala ng DOH, 18% na ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 28,492 na nagpa-test sa COVID kahapon.
Ayon sa WHO, dapat hindi lumampas sa 5% ang positivity rate ng isang bansa sa COVID.
Nadagdagan naman ng 78 ang bilang ng mga gumaling, kaya nasa 603,213 na ang total recoveries.
Habang 16 ang nadagdag sa mga total deaths na ngayon ay 13,186 na.
“Of the 16 deaths, 6 occurred in March 2021 (38%), 1 in January 2021 (6%), 1 in December 2020 (6%), 1 in November 2020 (6%), 3 in October 2020 (19%), 2 in July 2020 (12%), 1 in June 2020 (6%), and 1 in April 2020 (6%). Deaths were from NCR (9 or 56%), CAR (2 or 12%), Region 3 (1 or 6%), Region 6 (1 or 6%), Region 4A (1 or 6%), Region 5 (1 or 6%), and CARAGA (1 or 6%).”
“14 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries. Moreover, 11 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”
Kung hihimayin ang datos ng DOH, ngayon ang ika-siyam na araw na nag-ulat ang bansa ng higit 7,000 bagong kaso ng COVID-19.
Nagsimula ito noong March 19 at patuloy na tumaas sa mga nakalipas na araw. (Gene Adsuara)
-
IOC tiwalang walang magiging aberya na sa Tokyo Olympics
Desidido pa rin ang International Olympic Committee (IOC) na ituloy pa rin ang Tokyo 2021 Olympics. Sinabi ni IOC president Thomas Bach, may mga scenario na silang kinokonsidera para manatili silang ligtas at matuloy ang torneo. Dagdag pa nito, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng pakikipag-ugnayan ng kaniyang opisina sa mga opisyal ng Japan. […]
-
Alert Level 1 sa NCR, posible- Nograles
MALAKI ang posibilidad na ilagay sa tinatawag na “most lenient” Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa mga darating na araw. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, magkakaroon ng preliminary assessment sa COVID-19 situation ang mga key officials ng […]
-
Psychological evaluation ni VP Sara matapos ang nakapapangambang pahayag, hikayat ng Young Guns sa Kamara Leaders
HINIKAYAT ng mga lider ng grupong young guns sa Kamara leaders na magkaroon ng psychological evaluation kay Vice President Sara Duterte matapos ang ginawang pahayag nito sa isang press conference. Sa naturang conference, inamin nito na nasa imahinasyon niya ang pagpugot umano sa ulo ni Presidente Bongbong Marcos at ipahukay ang labi ni dating […]