• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,069 Magsasaka, mangingisda, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan

LUNGSOD NG MALOLOS– Tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000, food packs, at fertilizer ang 1,069 na magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng San Miguel, Obando, at San Rafael bilang bahagi ng Distribution of Rehab Assistance to Farmers Affected by El Niño na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito noong Martes.

 

 

 

Isinagawa ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office, upang magbigay ng tulong sa mga magsasaka sa San Miguel at San Rafael na naapektuhan ang pananim dahil sa El Niño, at mga mangingisda sa Obando na nakaranas ng mga insidente ng fish kill.

 

 

“Nararapat lamang na kayo ay alagaan, suportahan, at bigyang pansin sapagkat, unang-una, kayo ang naglalatag at nagbibigay ng pagkain sa hapag-kainan ng mga Pilipino at ng mga Bulakenyo. Salamat po sa inyong pagsusumikap, pagpupursigi,” ani Gob. Daniel R. Fernando.

 

 

Siniguro naman ni Bise Gob. Alexis C. Castro sa mga benepisyaryo na hindi pababayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang sektor ng agrikultura.

 

 

Ayon kay Jimmy Bernandino, magsasaka mula sa bayan ng San Miguel, malaking epekto ang naidulot ng El Niño sa kanilang buhay dahil tuluyang lumiit ang kanilang kinikita na sapat lamang sa pang-araw-araw nilang gastos kaya naman malaking tulong ang nakuhang tulong pinansyal na magagamit niya bilang panimula muli sa pagsasaka.

 

 

Samantala, upang tiyakin ang kahandaan ng mga Bulakenyo sa pagharap sa mga sakuna tulad ng El Niño at La Niña, nagpaalala ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office patungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na mga suplay at kagamitan para sa tag-ulan na dala ng La Niña.

 

 

Payo nila, palagiang maghanda ng emergency kit na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang mahahalagang bagay upang maging handa sa lahat ng uri ng sakuna.

Other News
  • Ads December 10, 2020

  • Back-rider tigbak sa trailer truck, driver sugatan

    ISANG 51-anyos na back-rider ang namatay habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot si Ariel Macaraeg, machine operator, at residente ng 44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang kapitbahay na […]

  • Competency o kakayahan, pangunahing criteria sa pagtatalaga bilang Marcos admin officials

    WALANG  palakasan at political connections sa pagtatalaga bilang  public managers ng gobyerno.   Sa katunayan, ang pagpili bilang Marcos admin  officials ay base sa  merito at kakayahan na magampanan ang kanilang  government functions.   Sa idinaos na Public Leaders’ Summit (PLS) ng Career Executive Service Board (CESB) noong nakaraang linggo, sinabi ni Executive Secretary Victor […]