11 DRUG-CLEARED BARANGAY, PINARANGALAN NG QC LGU
- Published on October 19, 2023
- by @peoplesbalita
KINILALA at pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang labing isang drug-cleared barangay bilang pagsusulong ng isang drug-free city.
Ang mga barangay na ito ay ang Project 6, Sto. Cristo, Veterans Village, Batasan Hills, San Isidro Galas, Sto. Nino, Kamuning, Sikatuna, Malaya, Sta. Monica, at San Bartolome.
Sa kabuuan, malinis na mula sa impluwensya ng iligal na droga ang 94 barangays sa lungsod dahil na rin sa pagsisikap ng QC Anti-Drug Abuse Council at ng Barangay Drug Clearing Program ng lokal na pamahalaan.
Pinarangalan din nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, kasama ang mga konsehal, ang QC Police Station 4 (Novaliches) para sa pagtala nito ng “Most Number of Drug Cleared Barangay,” at “Most Number of Operations” simula Enero 2023.
Kasabay nito ang pag-award din sa QCPD-District Drug Enforcement Unit dahil sa kanilang “Most Number of Confiscated Drug” sa lungsod. Umabot sa 3.5 kls. ng shabu ang kanilang nasabat na nagkakahalaga ng P24 million.
Ang mga programa at inisyatiba ng lokal na pamahalaan laban sa illegal drugs ay naka angkla rin naman sa kontra iligal na droga program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr. sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr. na tinaguriang BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN o mas kilala bilang BIDA PROGRAM. (PAUL JOHN REYES)
-
Nagbabala dahil nabiktima ng isang scammer: SANYA, ginamit para makahingi ng donasyon para sa mga Aeta
BIKTIMA ng isang scammer ang GMA actress na si Sanya Lopez. May gumagamit pala kasi ng fake account ni Sanya para makapambudol ng pera sa mga netizens na gamit ang pangalan at photo ng aktres. Kaya nanawagan ang ‘Pulang Araw’ female star na huwag agad-agad magtitiwala sa mga nakakausap […]
-
Pinatulan ang panglalait ng basher: ANNE, blessed sa ‘big lips’ kaya ‘di kailangan ng surgeon
HINDI na naman napigilan ni Anne Curtis na patulan ang isang basher na pumuna sa kanyang “big lips” o “bunganga”. Ayon sa tweet ng basher na may account na @winter_Snowcold na naka-private na… “MEDYO PAPANSIN TONG BIG LIPS NA TO KULANG NALANG IPA SURGEON MO YANG BUNGANGA MO” Kaya sinagot naman ito […]
-
Sa pagbabalik ng ‘Kusina ni Mamang’ sa BuKo Channel POKWANG, excited na sa mga special guests na magbabahagi ng kani-kanilang istilo sa pagluluto
HUMANDA sa pagluluto ng isang bonggang handaan dahil ang ‘Kusina ni Mamang’, ang sikat na cooking show ng BuKo Channel, ay nagpapasaya na naman ngayong Tag-araw. Magiging kakaiba ang taon na ito, na nangangako na dadalhin ang mga manonood sa isang culinary journey na may mga featured dish na inspired ng tunay na lutuing Pinoy. […]