• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11 DRUG PERSONALITIES TIKLO SA BUY BUST SA MALABON, NAVOTAS

ARESTADO ang sampung hinihinalang drug personalites, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Panghulo Road, Brgy. Panghulo na nagresulta sa pagkakaaresto kay Christopher Villagracia, 34, (pusher/newly indentified) at Ronald Piloneo, 34, (user/listed).

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P183,600 at P500 marked money.

 

 

Alas-11:10 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang ng SDEU sina Mark Jaspher Aquino, 25, Sherwin Fuentes, 27 at Daysun Algunajota, 39, (pusher/listed) sa buy bust operation sa Dr. Lascano Brgy. Tugatog.

 

 

Narekober sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200 at marked money.

 

 

Habang umaabot naman sa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600.00 ang nakuha kay Roldan Jakosalem alyas “Jay-R”, 21, (pusher/listed), 21 at Leo Sabordo, 47 matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur-buyer sa buy bust operation sa Borromeo St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng umaga.

 

 

Sa Navotas, dakong alas-9:30 ng gabi nang masakote naman ng mga operatiba SDEU ng Navotas police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Champaca St., Brgy. San Roque sina Angienete Flores alyas “Angie”, 27, at April Dela Cruz, 36, kapwa (listed/pusher).

 

 

Nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 16 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P108,800, buy bust money at coin purse.

 

 

Timbog din ng kabilang team ng SDEU sina si Jose Dela Cruz Jr., 37, at Ruben Ibañez, 56, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur- buyer sa buy bust operation sa Judge A Roldan St., Brgy., San Roque alas-11 ng gabi .

 

 

Nasamsam sa kanila ang tinatayang nasa 11.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P76,160.00 at marked money. (Richard Mesa)

Other News
  • Grab namumurong pagmultahin muli

    NANGANGANIB na pagmultahing muli ang ride-hailing company na Grab.     Ito ay dahil kulang pa umano ng P6 milyon ang total refund na ibinibigay ng Grab sa mga pasahero.     Ayon sa Philippine Competition Commission (PCC), nasa P25 milyon ang multa ng Grab at nagsimula ang refund case noon pang 2019.     […]

  • Mahigit P1 bilyong piso sa educational aid, naipamahagi na

    PUMALO na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga  indigent learners.     May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula  Agosto  20 hanggang Setyembre  17, 2022.     Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 […]

  • PNP: Back-riding posibleng ibalik para sa lahat ng motorista

    Posibleng ibalik muli ang back-riding para sa lahat ng motorista ng motorcycles at hindi na lamang para sa mga mag-asawa at live-in couples habang ang Philippine National Police (PNP) ay humihingi ng pasensiya sa mga ibang motorcycle riders.   Ayon kay PNP deputy chief ng operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar na simula lamang ito ng […]