110 na ang nasawi, 101 sugatan, 33 missing sa hagupit ng bagyong Paeng – NDRRMC
- Published on November 3, 2022
- by @peoplesbalita
UMAKYAT na sa 110 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Ito ay batay sa latest data na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC0 nitong umaga ng Martes.
Pinakamarami sa napaulat na nasawi ay nanggaling sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 59.
Nakapagtala din ang Region 6 ng 22 fatalities; 12 galing sa Calbarzon; 5 sa Region 8; 4 sa Region 9; nasa 3 ang nagmula sa Region 12; 2 mula sa MIMAROPA at tig-isa sa CAR, Region 5 at Region 7.
Sa naturang bilang, 79 pa lang ang kinukumpirmang nasawi na may kinalaman sa bagyo habang 31 ang for validation pa.
Maliban diyan, may napaulat din na 101 nasugatan at umaabot sa 33 ang nawawala dahil sa bagyo.
Isinailalim na rin sa state of calamity ang BARMM, tatlong probinsiya at anim na siyudad at munisipyo.
Tumaas din ang bilang ng mga indibidwal na apektado sa pananalasa ng bagyo.
Sa datos ng NDRRMC umabot na sa 741,777 na pamilya o katumbas ng mahigit 2.4 million indibidwal mula sa 17 rehiyon sa bansa. (Daris Jose)
-
Ads January 24, 2023
-
Gobyerno on track sa laban vs kahirapan, gutom
ANG RESULTA ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura. Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos […]
-
Ads April 12, 2023