111 milyong Pinoy naserbisyuhan ng PhilHealth
- Published on May 6, 2022
- by @peoplesbalita
NASA 111 milyong Pinoy sa buong bansa ang naserbisyuhan na ng PhilHealth.
Ang ulat ay isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary Antonette Remonte at iba pang matataas na opisyal ng state insurer ng bansa.
Nagbigay ng update ang mga opisyal ng PhilHealth hinggil sa implementasyon ng Universal Health Law.
Si Atty. Gierran ang siyang nagbigay ng welcome remarks sa lahat ng dumalo, nakiisa at sumusuporta sa PhilHealth.
Inilatag naman ni Dra. Domingo ang main objective ng PhilHealth na paglingkuran ang bawat isang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaloob ng serbisyong medical o pagpapagamot sa mga may karamdaman.
Ayon kay Dra. Domingo, “All Filipinos are guaranteed equitable access to quality and affordable health care goods and service and Protected Against Financial Risk”.
Ayon pa kay Dra. Domingo, RA 11223 o Universal Health Care Act ay nagbibigay ng legal basis para sa payment scheme.
Aniya, marami silang “lesson learned” na natutunan ngayong panahon ng pandemya at higit nilang pinagbubuti ang kanilang serbiyo sa publiko.
Hinggil naman sa pagbabayad sa mga pribadong hospital ay pinamamadali na ng PhilHealth ang kanilang mga claims at may mga pag-uusap na siyang ginagawa upang hindi na magkaroon pa ng problema sa hinaharap.
Isa sa isinusulong ngayon ng PhilHealth ay malunasan ang severe malnutrition sa mga kabataan sa bansa. (Daris Jose)
ate insurer ng bansa.
-
Lalaki, kulong sa illegal na pagbebenta ng baril
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki na ilegal umanong nagbebenta ng baril matapos maaresto ng mga tauhan ng PNP Maritime Group sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City, Linggo ng hapon. Sa inisyal na imbestigation, nakanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa ilalim ng pamumuno ni Station Chief P/Major Randy […]
-
Pinuri ng netizens dahil diyosang-diyosa pa rin… R’BONNEY, naranasan ding umangkas nang ma-stuck sa trapik
KAHIT Miss Universe pa man, naaapektuhan ng sobrang traffic sa Maynila! Kaya naman upang makaiwas sa trapiko ay sumakay sa motorcycle riding service si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel! Kesa nga naman ma-stuck at maubos ang oras sa loob ng kanyang sasakyan, deadma sa poise at umangkas sa motorsiklo […]
-
Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers […]