12-anyos na dalagita 1 taon sex slave ng step father
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang isang taon kalbaryo ng 12-anyos na dalagita sa kamay ng step father niya nang maglakas loob na itong isumbong sa kanyang ina ang ginagawang panghahalay sa kanya ng amain makaraang muli siyang gapangin sa Navotas City.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Navotas Police Women and Children Protection Desk (WCPD) na nagsimula ang kalbaryo ng biktimang Grade 7 student na itinago sa pangalang “Vicky” sa kamay ng kanyang step-father na itinago sa lang sa alyas “Edgar”, 33-anyos noong Enero 1, 2021 na nangyayari sa loob mismo ng kanilang tirahan sa Brgy. Tangos South.
Mula noon, kapag may pagkakataon ay ginagapang umano ng suspek ang anak ng kanyang kinakasama nang walang pinipiling oras, na labis nagdulot ng takot sa dalagita lalo na’t pinagbabantaan siya ng amain sa tuwing isasagawa ang panghahalay.
Nito lamang araw ng Sabado, Enero 15, 2022, dakong alas-10 ng umaga habang nakaidlip sa loob ng kanyang silid ang biktima, bigla siyang naalimpungatan nang maramdaman ang panghihipo sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.
Nagtangkang pumalag ang biktima subalit, muli siyang pinagbantaan ng amain na naging dahilan upang magtagumpay na muli ang suspek sa panghahalay sa kanya.
Matapos nito, naglakas loob na ang biktima na isumbong sa kanyang 30-anyos na ina ang dinaranas na kalbaryo sa kamay ng amain na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong Rape in relation to R.A.7610 o Child Abuse Law. (Richard Mesa)
-
BI, MAG-OPERATE NG SKELETON WORKFORCE
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang punong tanggapan, satellite at mga extension offices sa Metro Manila ay mag-operate ng skeleton workforces at iiksihan ang kanilang working hours kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Aug. 6. Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang bagong work scheme […]
-
6 timbog sa pagbebenta ng pekeng health vaccination card
Arestado ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisyimento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid ng mga operatiba […]
-
Lakers dismayado sa no call ng ref laban sa Celtics
Kinuha ni Lakers guard Patrick Beverley ang isang courtside camera sa pagsisikap na ipakita kay referee Eric Lewis ang alam na ng lahat ng nakapanood ng replay: Na-foul si LeBron James sa kanyang hindi nakuhang layup sa pagtatapos ng regulasyon. Sa halip na makuha ang tawag, nabigyan si Beverley ng technical foul na nagbigay […]