• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 candidates ni PBBM sa midterm election

2025 Senatorial Slate ng administrasyon inanunsyo na

 

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang 12 prospektibong senatorial candidates ng administrasyon para sa 2025 midterm elections.

 

 

Isiniwalat ang 2025 senatorial slate sa idinaos na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

 

 

Ang lineup ay kinabibilangan ng mga kandidato mula sa iba’t ibang political party kabilang na ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC) at Nacionalista Party (NP).

 

 

Kabilang dito ang kapatid ng Pangulo na si reelectionist Senator Imee Marcos mula NP, kasama ang kanyang mga party mates na sina Senator Pia Cayetano at Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar.

 

 

Inanunsyo rin ni Pangulong Marcos ang kanyang suporta para kay dating senador Manny Pacquiao, Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. at Senate Majority Leader Francis Tolentino pawang mga miyembro ng PFP.

 

 

Inendorso rin niya sina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ng Lakas-CMD.

 

 

Kasama rin sa senatorial ticket ng administrasyong Marcos sina Senador Manuel “Lito” Lapid, dating Senate President Vicente Sotto III, at dating Senador Panfilo Lacson at Makati City Mayor Abby Binay ng NPC.

 

 

Sinabi naman ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, magsisilbi bilang Senate slate’s campaign manager, na ang pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng mga ‘administration’s bets’ ay ang kanilang suporta para sa legislative agenda nito na naglalayong paunlarin ang buhay ng mga Filipino.

 

 

“So,ang mahalaga dito ay talagang susuporta at naniniwala sila na ang plataporma ng Bagong Pilipinas, iyan ang magpapaunlad sa buhay ng bawat Pilipino,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

Samantala, “very confident” naman si House Speaker Martin Romualdez, sa ukol sa winnability ng senatorial bets ng kasalukuyang administrasyon.

 

 

Ang election period ay magsisimula sa paghahain ng certificates of candidacy sa Oktubre 1 hanggang 8.

 

 

Sinabi naman ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na inaasahan na magdaraos si Pangulong Marcos ng assembly kasama ang kanyang mga napiling senatorial candidates, isang beses sa isang linggo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 23, 2023

  • 86% ng mga COVID-19 vaccines, naipamahagi na sa mga vaccination sites – DOH

    Kinumpirma ng Department of Health na 3,025,600 mula sa 3,525,600 available doses ng coronavirus disease vaccines ang naipamahagi na sa iba’t ibang vaccination sites.     Batay sa datos ng DOH at National Task Force Against COVID-19, may kabuuang 1,809,801 doses na ang naipamigay sa publiko.     “Eighty-eight percent of the 1,780,400 allocated first […]

  • Present si Beatrice at missing in action si Rabiya: MICHELLE, nangabog at tumanggap ng ‘Multi-Level Beauty Award’

    TUMANGGAP ng Multi-Level Beauty Award si Michelle Dee sa naganap na Miss Universe Philippines Top 32 Official Press Presentation noong nakaraang April 9.     Kinabog ni Michelle ang 31 other finalist ng MUP 2022 sa naturang award.      “Thank you so much to everyone that constantly supports me and my journey to the Universe. […]