12-point program para sa Agrikultura, isinuwestiyon kay Pangulong BBM
- Published on July 4, 2022
- by @peoplesbalita
IPRINISINTA ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kanilang 12-point program para sa agriculture sector na maaaring ipatupad sa unang 100 araw ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ang pagsiguro sa agricultural land para sa food production ay isa sa dapat unahin ng bagong administrasyon.
Hinikayat ng grupo ang pangulo na magpalabas ng isang Executive Order na nagbabawal sa conversion ng mga irrigated at agricultural lands sa ibang paraan.
Pinasesertipikahan din ng grupo ang House Bill No. 406 o P15,000 Production Subsidy para sa 9.7 milyong magsasaka at mangingisda.
These are actual demands of farmers and food producers. If Marcos Jr. has the political will and determination to put action into his words then he must consider these proposed doables.
Pinasasa-ayos din nila ang mahabang usapin o isyu ukol sa Hacienda Tinang sa Tarlac, Araneta Estate sa Bulacan, Lupang Ramos sa Cavite, Dumarao Stockfarm sa Panay, at Concepcion Grande sa Bicol.
Dapat din umanong ipatigil ang policy sa food import dependency, pagbasura sa Executive Orders 134 at 135, fish import permits at pagrebyu at pag-amyenda sa RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act.
Gayundin ang suspensiyon sa implementation ng R.A. 11203 o Rice Tariffication Law/Rice Liberalization Law at excise tax sa products.
Pinasesertipikahang urgent ng grupo ang mga food self-sufficiency bills tulad ng Genuine Agrarian Reform Bill, panukalang Rice Industry Development Act, at Fertilizer Subsidy Program; comprehensive economic stimulus para sa paglalaan ng P10,000 cash aid at P15,000 production subsidy sa mga magsasaka, mangingisda at agricultural workers.
Dapat ding magtalaga ng tunay na farmer-representatives sa management at paggamit ng coconut levy funds and assets.
Pagsasauli ng ill-gotten wealth umano ng mga Marcoses at kanilang cronies at pagbabayad ng P203.8 billion unpaid estate taxes ng mga Marcoses.
Maglaan din dapat anila ng nasa 10% ng national budget para sa agriculture at food production, ibasura ang permits para sa Golden Rice at Executive Order 130 on mining. (Ara Romero)
-
Pagtiyak ng DFA: New York hindi ‘dangerous city’ para sa mga Filipino
TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinong naninirahan at bumibyahe patungong New York City na hindi mapanganib ang nasabing lungsod. Ang pahayag na ito ni DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose de Vega ay pagkatig sa sinabi ni Philippine Consul General in New York Elmer Cato na […]
-
No. 9 crown pinakamahirap sa Cool Smashers
ITINUTURING ni Creamline star Michele Gumabao ang pagkopo sa korona ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference bilang pinaka mahirap. Wala kasi sa Cool Smashers sina key players Alyssa Valdez, Tots Carlos at Alas Pilipinas members Jia De Guzman at Jema Galanza nang kunin nila ang pang-siyam na kampeonato. “Mahirap siguro […]
-
MARK, tuluyan nang binitiwan ni Manay LOLIT at may rebelasyon pa
TULUYAN na ngang binitiwan ni Manay Lolit Solis ang alaga niyang si Mark Herras dahil sa lumalang isyu na mangungutang ang aktor ng P30K, pero hindi niya ito pinagbigyan. Na kung saan kung sinu-sino na ang nadamay, at galit na galit ang netizens sa mga naging tirada ni Manay Lolit tungkol sa […]