• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

120K health workers ‘di pa rin nakakatanggap ng COVID-19 allowance

HIGIT  sa 120,000 mga healthcare workers at iba pang hospital workers sa bansa ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang One COVID-19 Allowance (OCA).

 

 

Kinumpirma ni DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, 400,000 sa 526,727 HCWs pa lamang ang nabibigyan ng kanilang OCA mula sa nasyunal na pamahalaan.

 

 

Ito ay makaraang ihayag ni Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) president Dr. Jose de Grano na karamihan sa mga pribadong ospital ay hindi pa natatanggap ang kanilang OCA sa kabila ng pagsasabi ng DOH at ng Department of Budget and Management na nailabas na ito.

 

 

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa PHAPI para makapagbigay ng listahan ng mga ospital na hindi pa nabibigyan ng OCA ang kanilang mga HCWs.

 

 

Naglaan ang DBM ng P7.92 billion budget para sa OCA sa mga HCWs ng mga pampubliko at pribadong ospital sa bansa.

 

 

Nasa P4.5 bilyon nito ay para sa 100,013 plantilla workers ng DOH sa mga pampublikong ospital, opisina at rehabilitation centers kasama na rin ang mga nasa military at state public hospitals.  Ang natitirang P3.42 bilyon naman ay para sa 426,414 HCWs sa mga lokal na pamahalaan at pribadong health facilities.

 

 

Ang mga HCWs na nasa ‘high risk’ ay bibigyan ng P9,000 habang P6,000 sa mga nasa medium risk at P3,000 sa mga nasa ‘low risk’. (Daris Jose)

Other News
  • P100K matatanggap ng magkakampeon sa chess

    BINUKSAN na kahapon ang may tatlong araw na 4th annual Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships 2021 na nilalaro via online.     “The event aimed to develop good thinkers through the understanding of chess strategies and tactics,” ani Bounty Agro Ventures  Inc. president at teneral manager Ronald Daniel Mascariñas. “The tournament is also a fund […]

  • ‘Di hamak na mas madali ang buhay artista ngayon: NADIA, may payo sa mga teenstars na may ‘attitude’

    DAHIL tungkol sa motherhood ang Youtube talk show ni Ynna Asistio na ‘Behind The Scenes With Ynna’ ay nararapat lamang na ang first guest niya ay walang kundi ang ina niyang si Nadia Montenegro.   At dahil sikat na teen actress si Nadia noong ‘80s ay napag-usapan ng mag-ina ang tungkol sa mga youngstars noon […]

  • PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG

    HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag  ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa […]