• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

13 bagong appointees, itinalaga ni PBBM

IPINALABAS ng Malakanyang ang mga pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay.

 

 

Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Kasama rin sa listahan ang bagong apat na miyembro ng Bases Conversion and Development Authority Board of Directors na sina Maricris Carlos, Paul Christian Cervantes, Pablo De Borja at Bryan Matthew Nepomuceno. Si Larry Lacson ay itinalaga naman bilang Acting Administrator at miyembro ng National Food Authority councils.

 

 

Si Eric Zerrudo naman ay bilang National Commission for Culture and the Arts Executive Director.

 

 

Ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ay mayroong tatlong Board of Trustees members, at ito ay Sina Felix Duque, Gizela Gonzales at Kaye Tinga.

 

 

Samantala, ang iba pang appointees ay sina Luz Jordana Jose bilang Director IV ng Department of Health at sina Arthur Ledesma at Romeo Prestoza bilang mga acting members ng John Hay Management Corporation Board of Directors. (Daris Jose)

Other News
  • Pamahalaan, target na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Pinoy —Galvez

    PLANO ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino laban sa COVID-19 sa kabila ng mga hadlang na mapabiis ang pagbabakuna.     “Ang atin pong main objective ay mabakunahan ang 90 million na Filipino, sa bilang po na ito mayroon po tayong babakunahan na primary series sa 28 to 30 million na […]

  • Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw

    NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’.     Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw.   “Medyo sineseryoso ko po […]

  • PBBM, mas gustong mag-produce ang Pinas ng sarili nitong farm machineries

    NAIS  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong farm machineries.  Napansin kasi ng Pangulo na masyado ng umaasa ang PIlipinas sa pag-angkat o importasyon. Ayon sa Chief Executive, kailangan na i-develop ng bansa ang kakayahan nito na mag-produce ng sarili nitong farm machineries. Tinukoy naman ng Pangulo ang mga nagawang […]