• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

13 milyong motorsiklo sa Pinas ‘di rehistrado – LTO

TINATAYANG 13 milyong motorsiklo na tumatakbo sa lansangan sa buong bansa ang hindi rehistrado.

 

 

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite sa pagdinig ng Senate Committeee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, 12.9 milyon motorsiklo ang tumatakbo sa mga ­lansangan na hindi rehistrado.

 

 

Pero sinabi ni Tolentino na mayroon tinatayang 4 milyon karagdagang hindi rehistradong motorsiklo ang hawak ng komite noong Pebrero.

 

 

Kukuwestyunin sana ng senador ang immediate superior ni Pastorite na si Danilo Encela tungkol sa sa backlogs sa bawat rehiyon partikular sa Metro Manila subalit inamin nito na wala siyang hawak na impormasyon ngayon at nangako na babalik sa komite para dito.

 

 

      Nauna ng sinabi ni  LTO chief Asec. Vigor Mendoza  nq maraming delingkwenteng may-ari ng mga motorsiklo ang nakakalimutang magrehistro o bigo na i-transfer ang ownership matapos na bilihin ang sasakyan.

 

 

Ayon pa kay Mendoza sa pinakahuling datos ng LTO noong 2003 ay mayroong 38 milyong 4-wheeled vehicles at motorcycles sa kalsada subalit 13.9 milyon lang ang nakarehistro.

 

 

Bigo rin umano ang mga may-ari ng motorsiklo na irehistro ang kanilang mga sasakyan lalo na kung ito ay nasa 3-5 taon hulugan.

Other News
  • Pagsisimula ng local campaign, generally peaceful – PNP

    ITO ANG deklarasyon nitong Sabado ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng campaign period para sa lokal na posisyon kaugnay ng gaganaping May 9, 2022 national election. Sinabi ni PNP Chief P/ Gen. Dionardo Carlos, walang naiulat  na anumang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.     Ang campaign period […]

  • Gobyerno, kailangan na magpalabas ng guidelines para sa COVID-19 home test kits sa lalong madaling panahon

    NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng guidelines para sa paggamit ng home antigen test kits.     “Sa ibang bansa, ina-allow na nila ‘yung home testing. Kapag masyado natin inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest [ang laboratories],” ayon kay Robredo.     Sinabi pa ng Bise-Presidente na may mga ulat […]

  • Tinupad ang pangakong fully committed sa pagiging mistress at kontrabida: LIANNE, na-single out ni Direk LAURICE sa mahusay na pagganap

    IKINATUWA ng award-winning director na si Laurice Guillen ang mahusay na performance ng buong cast ng GMA teleserye na Apoy Sa Langit.       Na-single out ni Direk Laurice ang pagganap bilang Stella ng Kapuso actress na si Lianne Valentin. Tinupad daw nito ang pangako na fully committed siya sa kanyang role bilang isang […]