13 years na silang masayang magkasama: SOLENN at NICO, nag-celebrate na ng 8th wedding anniversary
- Published on May 27, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-CELEBRATE ng kanilang 8th wedding anniversary ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.Nag-share ng photo nila ni Nico si Solenn via Instagram na may caption na: “4 years of dating, 1 year engaged, 8 years married. After 13 years, you still make me laugh, put effort into our everyday life, and have given me the family of my dreams and the life we had once talked about. Happy anniversary, my love @nicobolzico . Here is to 80++ more years of figuring life out together.”Nag-post naman ng throwback photos si Nico ng kanilang wedding noong 2016.“Exactly 8 years ago we decided that #ForeverMakesSense!” caption ni Nico.Kinasal sina Solenn at Nico noong May 2016 sa Combourg, France. Dalawa ang anak nila na sina Thylane Katana (4 years old) at Maëlys Lionel, (1 year old).***THANKFUL ang Vivamax star na si Quinn Carillo dahil sa pagkakataong mapasama sa primetime series na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’“I’m just very happy na binigyan ako ng project with GMA, nakasama ako sa cast; and Direk Laurice (Guillen) to be able to work with her, for me, sobrang nakakatuwa. It’s been an honor to work with them,” ngiti pa niya.Marami ang natutuwa sa role niya as Leslie, ang best friend na hindi tino-tolerate ang kabaliwan ni Shaira (Liezel Lopez).“Sobrang wild ng friendship namin ni Shaira. Kapag binabasa namin yung script napapa-‘Oh my God,’ kami. So, dapat talagang abangan ninyo. Grabe pa ang gagawin ni Shaira. Off screen, naging close na kami ni LIezel. Ang dali niyang makatrabaho kaya siguro naging easy na rin for me to play the role of her best friend kasi off-cam, talagang close kami.”Dahil nakapag-mainstream na si Quinn, pipiliin na raw niya ang mga projects na gagawin niya for Vivamax. Ilan sa mga nagawa niya ay Silab, Island of Desire, Moonlight Butterfly, Eva at Showroom.***NADAGDAGAN ang kasong sexual assault ng rapper na si Sean “Diddy” Combs dahil sa model na nagsalita na ginawang pagdroga at panghahalay sa kanya.Ayon may Crystal McKinney, she was 22 noong makilala niya si Diddy noong 2003 sa isang fashion event sa New York. Sinama raw siya ni Diddy sa kanyang studio kunsaan maraming lalake ang lasing at sabog sa droga.“Diddy had laced the joint with a narcotic or other intoxicating substance. I felt very intoxicated and like was floating. Diddy forced himself on me and began kissing me without my consent. He forced me to perform oral sex on him,” kuwento ni Crystal na muntik nang mag-suicide dahil sa naranasan niyang trauma noong gabing iyon.Noong mapanood daw niya ang nag-viral na video ni Diddy na binubugbog nito si Cassie Ventura sa isang hotel, naglakas loob siyang magsalita na at i-expose ang mga maling ginawa ni Diddy sa kanya.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Obiena flag-bearer sa Vietnam SEAG
SI WORLD No. 5 pole vaulter Ernest John Obiena ang tatayong flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games sa MNy Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam. Hindi pinayagan ng Vietnam ang pagkakaroon ng Pinas ng dalawang flag-bearers sa katauhan nina Obiena at Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz. […]
-
Nakatutuwa ang gesture ng kanyang pamilya: BEA, nagluto at ipinakain sa mga kapitbahay na Aetas sa Zambales
NAKATUTUWA ang gesture ni Bea Alonzo at ng kanyang pamilya. Sinimulan sa isang cooking vlog kung saan ang mga niluto nila ay ipinakain sa mga kapitbahay niyang Aetas sa farm ni Bea sa Zambales. “Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila,” kuwento ni […]
-
DILG, magsasagawa ng “quarterly recognition” sa gagawing pagpapatupad ng LGUs sa Kalinisan Program ni PBBM
MAGSASAGAWA ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng quarterly recognition sa mga Local Government Units (LGUs) na episyenteng ipatutupad ang Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Matagumpay na inilunsad kasi ang KALINISAN program, araw ng Sabado sa pamamagitan ng isang national […]