130K PUV drivers, tumanggap na ng fuel subsidy sa LTFRB
- Published on May 30, 2022
- by @peoplesbalita
NASA 130,000 driver ng mga pampublikong sasakyan ang nakinabang sa tig-P6,500 na fuel subsidy mula sa pamahalaan.
Ang naturang halaga ay mahigit sa kabuuang P840 milyon na naipalabas dito ng gobyerno.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy para mabigyan ng ayuda ang lahat ng PUV drivers.
Nilinaw naman ng militant transport group na Piston na sa 40,000 miyembro nila sa Metro Manila ay may 10 percent pa lamang nito ang nabibigyan ng fuel subsidy.
Umaasa silang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na pamamahagi ng subsidy ng pamahalaan.
Ang fuel subsidy ay ang naisip ng pamahalaan na ibigay na tulong o ayuda sa mga driver ng pampasaherong sasakyan para mabawasan ang epektong dulot sa kanila ng mataas na halaga ng petroleum products imbes na magtaas sa pasahe.
May kabuuang 264,578 beneficiaries ang nasa ilalim ng programang ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng LTFRB. Mayroon namang 27,777 delivery service ang nagbenepisyo na rin sa fuel subsidy sa ilalim naman ng Department of Trade and Industry.
-
Trabahante na kinuha sa DPWH projects, pumalo sa 1.6M
PUMALO sa mahigit 1.6 milyong Filipino ang naging trabahante o nagtrabaho para sa agresibong implementasyon ng infrastructure projects lalo na sa pamamagitan ng Build Build Build project. Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado na mula sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ay nagawa […]
-
Higit P.4M droga, baril nasabat sa 4 drug suspects sa Caloocan drug bust
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.4 milyong halaga ng droga at isang baril sa apat drug suspects, kabilang ang isang itinuturing na high value individual (HVI) matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust buy bust operation sa Caloocan City. Ani District Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Jeraldson […]
-
Trudeau, inimbitahan si PBBM na bumisita sa Canada sa 2024
INIMBITAHAN ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Japan sa susunod taon para sa pagdiriwang ng 75th diplomatic relations sa pagitan ng dalawang estado. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinaabot ang imbitasyon sa Pangulo sa isinagawang bilateral meeting kasama si Trudeau sa sidelines ng […]