• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

133,000 family food packs, ipinadala sa Enteng affected areas -DSWD

IPINADALA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 133,000 family food packs sa mga lugar na labis na tinamaan ng Tropical Storm Enteng.

 

 

Iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa kasalukuyan ay pino-proseso na nila ang isa pang 100,000 family food packs.

 

 

“Mr. President, as reported to you the other night, we have already deployed 133,000 family food packs. And we are currently processing another 100,000, ‘yung mga bago na dumating. But you’re right, Mr. President, if you look at the breakdown of where we sent the food packs, it followed the path of the storm,” ang sinabi ni Gatchalian kay Pangulong Marcos sa isinagawang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

 

 

“Of course, NCR (National Capital Region), because nandito ‘yung flooded areas all the time. But after NCR, it was Region V where the storm came closest at its height, 24,000; and then Region III, 21,000; CALABARZON, 12,000,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran pa ng Kalihim sa Pangulo na ang pigura ay augmentation numbers para suportahan ang nisyatiba ng lokal na pamahalaan.

 

 

Ang family food packs para sa mga biktima ng bagyong Enteng ay maaaring umabot sa 250,000

 

 

Sa kabilang dako, naka-monitor naman ang DSWD sa dalawang nagbabadyang bagyo para sa ‘stockpiling needs.’

 

 

Sinabi pa ni Gatchalian na bago pa manalasa ang bagyong Enteng, nakapag-restore na ang DSWD ng national stockpile nito sa 1.7 million family food packs na ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“So now we’re doing both response and stockpiling kasi we’ll be using up our stockpile in those said regions. But we’re confident mahahabol naman namin ‘yun. As we speak right now, we’re deploying, and we’re packing, and we’re stockpiling,” ayon sa Kalihim.

 

 

Samantala, sa isang kalatas, inihayag ni Pangulong Marcos na mahigit sa P16 million na humanitarian aid ang ipinadala sa mga lugar na labis na tinamaan ni “Enteng”.

 

 

Mayroon namang P65.5 million na standby fund at P2.6 billion na stockpiles ang handa nang ipamahagi sa mga biktima ng bagyo. (Daris Jose)

Other News
  • After ng post sa IG story ng anak… Mayor FRANCIS, ipinagdiinang walang relasyon sina AMANDA at DANIEL

    NAGSALITA na ang First Daughter ng San Juan na si Amanda Zamora na patuloy na nali-link kay Daniel Padilla.       Hindi na nga bago ang Star Magic talent sa mata ng publiko dahil napanood na ito sa ‘Pinoy Big Brother Connect’ noong 2021.       At ngayon nga ay muling pinag-uusapan ang […]

  • UNANG BABAENG MAYOR NG MAYNILA MAYOR HONEY LACUNA PANGAN

    Binabati ng lahat ng pamunuan/Editorial Staff ng People’s Balita ang lahat ng bagong halal noong nakaraang eleksyon 2022 sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto at mga Congressman sa unang Distrito Congressman Ernix Dionisio, ikalawang distrito Congressman Rolan Valeriano, ikatlong distrito Congressman Joel Chua, ikaapat na distrito Congressman Edward […]

  • Ads December 13, 2021