• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

137M doses ng Covid 19 vaccines para sa taong 2022

TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa.

“Maganda po ang negotiation natin kaya po secured na natin ang 137 million po na doses para next year. Puwede pong umakyat ‘yan na … sa 172,” ayon kay Galvez.

Sa susunod na buwan naman na inaasahang mauunang darating sa bansa ang mga bakuna ng Pfizer ng Amerika at Sinovac ng China.

“Pfizer po maganda rin po ang ating negotiation. Dinagdagan po — puwede pong madagdagan ang ating allocation at isa siya sa pinakamalaki na makukuha po natin, more or less 25 to 40 million. At natutuwa po kami dahil kasi hindi po tayo iniwan ng Pfizer at may commitment po sila na baka magkaroon po pagka nagpirmahan po tayo baka hopefully, kung mayroon silang excess from US at other countries, pwede pong mai-deliver po ‘to sa atin,” aniya pa rin.

Ibinalita rin ni Galvez na nagkapirmahan na rin ang pamahalaan at ang Serum Institute ng India para sa Novovax vaccines para sa 30 million doses na dadating din ngayong taon.

Inaasahan naman na ngayong araw ay magkakapirmahan na para sa bakuna naman ng AztraZeneca ng UK para sa 17 million doses na posibleng dumating ng 2nd quarter ng taon.

Aniya pa, ang Johnson at Johnson mula Amerika din ay nasa final stages na rin aniya ng approval ng kasunduan, habang may ongoing negotiations na rin para makabili ng Moderna ng Amerika din, kasama ang pribadong sektor.

Bukod dito ay may nagaganap na ring negosasyon ang gobyerno katuwang ang Russian Direct Investment Fund para makabili rin ng 50 hanggang 100 million doses na gawa ng the Galameya Institute sa Russia.

Sa kabilang dako, may inaasahan pa niyang libreng bakuna ang Pilipinas na nasa 42 million doses mula sa COVAX facility na sapat aniya para maibigay sa 20 percent ng populasyon ng bansa.

Kaya nga, hindi na magiging problema ang cold chain storage facilities dahil bukod sa pasilidad ng gobyerno, may service providers din aniya mula sa pribadong sektor.

 

Aniya, ikukunsidera naman ang geographical at sectoral issues sa pagbibigay prayoridad sa pagbabakuna at tiniyak niyang wala umanong magiging diskriminasyon dito.

Target pa rin ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng 110 na milyon na populasyon ng bansa, pero hindi umano mamimilit ang gobyerno. (Daris Jose)

Other News
  • De-kalidad dapat ang quality ng films para makapasok sa Netflix: Chair LIZA, nananawagan ng suporta para sa film industry mula sa gobyerno

    SABI ni Chair Liza Dino, kailangan ng support film industry ng support ng gobyerno, lalo na sa financial needs.     Para raw makatiyak na magiging competitive ang mga pelikula natin ay dapat may funding ito mula sa gobyerno. Let’s face the sad reality na hindi masyadong pinapansin ng gobyerno ang entertainment industry.     […]

  • Sasamantalahin na mamasyal at mag-shopping… BARBIE, ‘di magtatagal sa Chicago dahil may movie silang gagawin ni DAVID

    IPINAGTAPAT ng lead star ng first-ever figure skating drama na ‘Heart on Ice’, na si Ashley Ortega, na dream-come true sa kanya ang teleserye.     “Three years old pa lamang ay nahilig na po akong mag-training nito at nagsimula na rin akong mag-join ng competitions sa Thailand, China, Japan at Malaysia.  Nakaipon na rin po ako, […]

  • JULIE ANNE, opisyal nang pinakilala ng GMA bilang ‘Asia’s Limitless Star’

    OPISYAL nang ipinakilala ng GMA si Julie Anne San Jose bilang “Asia’s Limitless Star” kasabay ng media conference ngayong Huwebes para sa kanyang LIMITLESS, A Musical Trilogy.      Sakto raw ito sa new project ni kung saan ipapamalas niya ang husay sa pagiging singer, songwriter, dancer, actress, host, at multi-instrumentalist sa iba’t ibang unexpected […]