• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

14- anyos na dalagita ginahasa ng kainuman

MAAGANG nasira ang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita matapos puwersahan pinainom muna ng alak bago pinagsamantalahan ng 17-anyos na binatilyo makaraang malasing ang biktima kamakalawa ng gabi sa Malabon city.

 

Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ng Brgy. Hulong Duhat ang suspek na itinago sa pangalang “Ronald” makaraang makapaghain ng reklamo ang biktimang itinago sa pangalang “Katya”, out-of-school-youth (OSY) ng Meycauayan, Bulacan.

 

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Malabon police chief P.Col. Jessie Tamayao, niyakag ng kanyang mga kaibigang lalaki ang dalagita sa isang bahay sa Balut St. Brgy. Hulong Duhat at doon ay puwersahan umano siyang hinimok na makipag-inuman.

 

Nang maubos umano ang isang bote ng gin, nakaramdam na ng pagkahilo ang dalagita na platandaan ng kalasingan hanggang niyakag siya ng suspek na magtungo sa comfort room dakong alas-6 ng gabi.

 

Habang nasa loob ng banyo, naghubad umano ng suot na damit pang-ibaba ang binatilyo bago puwersahang hinubaran din ng suot na short pants at panty ng dalagita bago tuluyang pinagsamantalahan.

 

Tinurnover naman ng mga nakaarestong barangay tanod sa tanggapan ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang binatilyong suspek na isinailalim kaagad sa inquest proceedings sa kasong rape in relation to R.A 7610 o Anti Child Abuse Law matapos isagawa ang imbestigasyon. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads March 2, 2022

  • BACK IN THE DIRECTOR’S CHAIR: WHY BEN AFFLECK IS THE BEST PERSON TO BE AT THE HELM OF “AIR”

    FOR Ben Affleck, an avid sports fan, directing “AIR” was an honor. The film, which opens in cinemas April 19, features a topic that’s very dear to him, boasts an excellent cast, and has a passionate and creative team behind the scenes. Plus, he got to work directly with the Greatest of All Time, Michael […]

  • ‘State visit, nagbunga ng $14.36 billion investment pledges’ – Pangulong Marcos

    INIULAT ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakalikom sila ng $14.36 billion investment pledges sa kanyang state visit sa Indonesia at Singapore.     Katumbas ito ng halos P800,000,000,000, batay sa kasalukuyang palitan ng piso at dolyar.     Kabilang sa mga deal na ito ang nasa sector ng renewable energy, data centers, e-commerce, […]