• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

14- anyos na dalagita ginahasa ng kainuman

MAAGANG nasira ang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita matapos puwersahan pinainom muna ng alak bago pinagsamantalahan ng 17-anyos na binatilyo makaraang malasing ang biktima kamakalawa ng gabi sa Malabon city.

 

Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ng Brgy. Hulong Duhat ang suspek na itinago sa pangalang “Ronald” makaraang makapaghain ng reklamo ang biktimang itinago sa pangalang “Katya”, out-of-school-youth (OSY) ng Meycauayan, Bulacan.

 

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Malabon police chief P.Col. Jessie Tamayao, niyakag ng kanyang mga kaibigang lalaki ang dalagita sa isang bahay sa Balut St. Brgy. Hulong Duhat at doon ay puwersahan umano siyang hinimok na makipag-inuman.

 

Nang maubos umano ang isang bote ng gin, nakaramdam na ng pagkahilo ang dalagita na platandaan ng kalasingan hanggang niyakag siya ng suspek na magtungo sa comfort room dakong alas-6 ng gabi.

 

Habang nasa loob ng banyo, naghubad umano ng suot na damit pang-ibaba ang binatilyo bago puwersahang hinubaran din ng suot na short pants at panty ng dalagita bago tuluyang pinagsamantalahan.

 

Tinurnover naman ng mga nakaarestong barangay tanod sa tanggapan ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang binatilyong suspek na isinailalim kaagad sa inquest proceedings sa kasong rape in relation to R.A 7610 o Anti Child Abuse Law matapos isagawa ang imbestigasyon. (Richard Mesa)

Other News
  • Ilang mga pagamutan nag-alok ng home care para sa mga COVID-19 positive

    May mga listahan na ang Department of Health ng mga pagamutan na magbibigay ng home care at telemedicines services para sa mga suspected, probable, mild at asymptomatic na pasyente para hindi na sila magpunta pa sa mga pagamutan.     Ang nasabing hakbang ay dahil sa kawalan na ng mga kuwarto ng mga pagamutan dahil […]

  • Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives

    NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.     Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, […]

  • Pinay tennis star Alex Eala nagkampeon sa Milan tennis

    Na-domina ni Philippine tennis number 1 Alex Eala sa JA Milan 61 Trofeo Bongfilio matapos makuha ang kampeonato sa singles division.     Ang nasabing pagkapanalo ay naganap isang araw matapos na magwagi ito sa tennis doubles.     Tinalo nito si Nikola Bartunkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3 sa laro na […]