14-ANYOS NA MUSLIM, PATAY SA SUNTOK NG 13-ANYOS
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang 14 anyos na binatilyo nang ma-knock-out sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St. Quiapo, Maynila.
Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Karim, di tunay na pangalan habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station ang suspek na 13 anyos na itinago sa pangalang Jojo,nakatira sa 1121 Castillejos St.Quiapo.
Sa imbestigasyon ni Corporal Rodolfo Acosta III, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, naganap ang insidente sa Fraternal St.
Nabatid na nag-sparing sa boxing ang dalawa nang masuntok ni Jojo si Karim sa mukha na agad bumagsak sa sementong kalsada at nawalan ng malay.
Napansin ito ni Basit Minandang kaya nilapitan ang binatilyo at isinugod sa pagamutan pero hindi na naisalba ng mga doktor sa pagamutan.
Dinala naman sa golden mosque ang bangkay para sa tradisyunal na paglilibing sa isang muslim. (GENE ADSUARA)
-
Sangkot droga, timbog
ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa […]
-
PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo
NIRESBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19. Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang […]
-
OCTA suportado ang mungkahing ‘wag gawing requirement ang pagsuot ng face shield sa sinehan
Suportado ng OCTA Research group ang mungkahi na huwag nang gawing requirement ang pagsusuot ng face shields sa loob ng mga sinehan. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi makakapag-enjoy ang isang tao sa panonood ng pelikula sa loob ng sinehan kung oobligahin ang mga ito na magsuot ng face shield. […]