14th case ng mpox sa PH, na-detect sa Balayan, Batangas
- Published on August 31, 2024
- by @peoplesbalita
NILINAW ng lokal na pamahalaan ng Balayan, Batangas na hindi sila magpapatupad ng lockdown.
Sa kabila ito ng na-detect na kaso ng mpox sa kanilang bayan, matapos ang ilang pagsusuri.
Ayon kay Balayan Mayor Emmanuel Fronda II, hindi dapat maapektuhan ang buong operasyon ng kanilang lugar.
Ang mahalaga aniya ay natukoy agad ang pasyenteng may mpox at ang mga taong nagkaroon ng closed contact dito.
Nabatid na ang kaso ng naturang virus sa Balayan ay pang-14 na recorded case sa bansa at isa umanong 12-anyos na batang lalaki.
Hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima upang hindi maging biktima ng bullying o harassment ang bata at ang kanilang pamilya.
Tiwala naman si Mayor Fronda na ginagawa ng local health officials ang kanilang tungkulin para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang mga residente. (Daris Jose)
-
Pagtataas sa SSS contribution, makapagpapalakas sa buhay ng pondo
SINABI ng Social Security System (SSS) na ang pagtataas sa kontribusyon o ang pagkasa sa 1-percent rate hike ay makatitiyak sa long-term viability ng institusyon at makatutulong na tumagal and pondo ng hanggang 2053. Sinabi ng SSS na ang 1-percent rate hike, nakatakdang simulang ipatupad ngayong buwan ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 11199 […]
-
Fernando, nagbigay ng direktiba sa PTF na paigtingin ang PDITR Strategy upang maghanda sa COVID Delta variant
LUNGSOD NG MALOLOS- Kahit wala pang naiuulat na kaso ng COVID-19 Delta variant sa lalawigan, ipinag-utos ni Gobernador Daniel R. Fernando sa Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 na paigtingin ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy sa ginanap na 12th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters of the PTF sa pamamagitan ng aplikasyong […]
-
Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City. Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas. “I […]