• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15-ANYOS NA BINATILYO TIMBOG SA P28K SHABU

ISANG 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P28,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa gitna ng lockdown sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala lang ang suspek sa alyas “Enteng” na natimbog ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-8::05 ng gabi sa kahabaan ng Judge A. Roldan St. Brgy. San Roque matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, nakumpiska ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez kay Enteng ang 11 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 4.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P28,880.00 ang halaga at buy-bust money.

 

Sinabi pa ni Col. Balasabas, ang suspek ay hindi kabilang sa list ng mga hinihinalang drug personality subalit, dahil sa ilang mga reklamo na kanilang natanggap hinggil sa kanyang illegal na aktibidad ay isinailalim ito ng mga operatiba ng SDEU sa surveillance operation.

 

Nang makumpirma na sangkot ito sa pagbebenta ng illegal na droga ay agad nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU kontra sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya. (Richard Mesa)

Other News
  • Utang ng Pilipinas nanatili sa P13.64 trilyon

    HALOS hindi gumalaw ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas nitong Nobyembre 2022 sa P13.64 trilyon kasabay ng pagtaas ng halaga ng piso.     Ito ang ibinahagi ng Bureau of Treasury, Martes, ilang buwan matapos ipayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na iwasan ang “hindi kinakailangang gastusin” at magpatupad ng […]

  • Tsukii, Didal sumikwat ng medalya

    Humirit ng medalya sina Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii at Asian Games skating gold medalist Margielyn Didal sa kani-kanyang international tournaments.   Ginulantang ni Tsukii si World No. 6 Valeria Kumizaki ng Serbia upang masikwat ang ginto wo­men’s -55 kgs. sa isang pocket tournament sa Arandelovac, Serbia.   Sa kabilang banda, nagkasya sa pilak na medalya […]

  • Malakanyang, nais ang karagdagang labs para sa mabilis na pagpapalabas ng RT-PCR test results

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTR) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories para mas maging mabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results.     “We already gave a nudge to BOQ and DOTR to increase the number of accredited RT-PCR labs for additional options to […]