15 katao patay dahil kay “Enteng”; PBBM ipinag-utos ang mahigpit na pagbabantay sa dam
- Published on September 5, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 15 katao ang nasawi mula sa nagsamang epekto ng Tropical Storm Enteng (international name Yagi) at southwest monsoon o “habagat”.
Sa isang situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) office sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Operations Service Director Cesar Idio na ang lalawigan ng Rizal ang may pinakamataas na death count na walo.
Nakapagtala naman ang Cebu City, Northern Samar, at Naga City ng tig-dalawa habang ang Negros Occidental ay nakapagtala ng isang nasawi.
Maliban dito, 21 katao ang napaulat na nawawala habang 15 katao naman ang sugatan.
“These are still subject for validation, Mr. President,” ang sinabi ni Idio kay Pangulong Marcos.
Iniulat din ni Idio na may kabuuang 1,720,568 indibidwal o 442,804 pamilya ang naapektuhan ni Enteng, ang Bicol region ang pinaka-apektadong lugar sumunod ang Central Luzon, Eastern Visayas, at Metro Manila.
Si Enteng ang dahilan ng P350.85 milyong halaga ng pinsala sa agriculture sector, na may 13,623 magsasaka na apektado at nakapagtala ng malaking bilang ng production loss na 14.814 metric tons sa 8,893 ektarya ng agricultural areas ng bigas mais at high-value crops.
“A total of PHP33 million worth of food and non-food items have been distributed to the typhoon victims,” ayon kay Idio.
Samantala, sinabi naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nag- stockpile ito ng karagdagang food packs sa bodega nito sa buong bansa para i-replenish o dagdagan ang kanilang suplay.
Tinuran ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ito’y paghahanda na rin sa paparating na mga bagyo.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa publiko na mananatiling naka-alerto ang gobyerno sa gitna ng masamang panahon.
“We are continuing to monitor all the situations everywhere. Hopefully pagdaan nitong weather system na ito, makapunta tayo at makapag-provide ng assistance,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos sa mga ahensiya ng pamahalaan na maghanda para sa posibleng pagbaha sa mga lugar na malapit sa water reservoirs at hiniling sa weather bureau na panatilihing updated ang report nito sa ‘dam at flood situations.’
“While Severe Tropical Storm Enteng is already out of the Philippine Area of Responsibility (PAR), parts of the country may still experience torrential rain,” ang sinabi ng Pangulo.
“Although Enteng is still dropping rainfall, this is another aspect of the flood control that we have to deal with. We might have to deal withkung patuloy pa rin ang pag-ulan na mabigat ay kailangan — baka mapilitan tayo na magbitaw ng tubig. So, let’s watch that closely. We’ll keep up to date on that,” ayon sa Punong Ehekutibo.
May dalawang tropical cyclones ang maaaring pumasok sa bansa sa susunod na linggo.
Ito naman ang iniulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa naturang miting.
Ito naman ang dahilan para paalalahanan ng Pangulo ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na manatiling bigilante.
Winika ng Pangulo na ang weather systems sa ngayon ay mas mabilis na nade-develop kaysa noon dahil sa climate change tinukoy ang karanasan ng bansa sa Super Typhoons Yolanda noong 2012 at Odette noong 2021.
Ang epekto ng dalawang weather disturbances ay nag-iwan ng inisyal na P54.26 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura, ang iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), araw ng Miyerkules.
Base sa report ng DPWH-Bureau of Maintenance (BOM) “as of 6 a.m.” ang mga nasirang kalsada tulay at flood control structures ay iniulat sa Cordillera, Central Visayas at Eastern Visayas.
Itinuturing naman ang Central Visayas bilang ‘most damage’ dahil sa pinsala ng umabot sa P25.78 million sumunod ang Eastern Visayas na may P23.64 million habang ang Cordillera naman ay nakapagtala ng P4.8 million. (Daris Jose)
-
Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF
SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3. Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa. Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa […]
-
Unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Championships EJ umukit ng kasaysayan!
HINDI man gold medal ang kanyang nakamit ay nakagawa pa rin ng kasaysayan si national pole vaulter Ernest John Obiena. Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para angkinin ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships kahapon sa Eugene, Oregon. Ang nasabing performance ng World No. 6 pole vaulter ay isa […]
-
Mahigit 1-M mga indibidwal lumikas na mula sa Ukraine mula nang salakayin ito ng Russia
MAHIGIT isang million na mga indibidwal na ang lumipad paalis sa Ukraine simula nang magsimulang salakayin ito ng Russia. Ayon sa datos ng UN refugee agency, tinatayang nasa 8.5 percent sa mga ito ay tumakas sa bansa patungo sa mga kalapit na bansa tulad ng Poland, Slovakia, Hungary, Moldova, Belarus, at Russia. […]