• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 probinsiya sa Luzon, nakapagtala ng very high Covid-19 positivity rate

INIULAT  ng OCTA Research Group na isinailalim ngayon sa “very high” COVID-19 positivity rates ang 15 probinsiya sa Luzon.

 

 

Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng probinsiya ng Albay, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

 

 

Base sa data, nakuha ng Camarines Sur ang pinaka-highest record na 48.7 percent; sinundan ng Isabela (47.6 percent), Tarlac (41.9 percent), Nueva Ecija (38.4 percent), Pampanga (35 percent), at Laguna (33.2 percent).

 

 

Ang Cagayan ay nakapagtala ng 30.5 percent positivity rate; sinundan ng La Union (29.4 percent), Zambales (28.6 percent), Albay (28.2 percent), Quezon (25.1 percent), Pangasinan (25 percent), Benguet (22 percent), Cavite (21.1 percent) at Rizal (18.8 percent).

 

 

Samantala, iniulat din ni David na tumaas din ang positivity rate sa Metro Manila mula 15.5 porsiyento noong Hulyo 30 hanggang 17.5 porsiyento noong Agosto 6. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-file na ng custody para kay Malia: POKWANG, may hanash sa bagong karelasyon ni LEE

    MADALING ma-get ng kahit sino na ang tila pinatutungkulan ni Pokwang sa mga sunod-sunod niyang post sa social media ay ang ex-partner at ama ng anak na si Tisay o si Malia O’Brian na si Lee O’Brian. Bigla na lang kasi na parang ngayon lumalabas ang mga emosyon o dala-dala ni Pokwang sa ama ng […]

  • MAVY at CASSY, secure na ang future dahil maayos na na-invest ang kinita simula noong bata pa

    NAG-POST ng isang topless photo ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez sa Instagram noong sunmapit ang 27th birthday niya.      May suot naman pantalon si Kim at bahagyang tinakpan niya ang kanyang malusog na dibdib.     Caption pa niya: “Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes […]

  • Nagparehistro ng SIM, 95 milyon na

    UMABOT  na sa 95 milyon ang bilang ng mga SIM cards na nakarehistro o katumbas ng 56.56% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa.     Sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC), mula sa kabuuang SIM card registrants noong May 8, pinakamataas ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., na nasa 44,982,292 o […]