• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon

Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, Marianito Cabilin, 74, Salvador Balidoy, 36, Ernesto Sarona, 36, at Marco Arnel Resero, 24.

 

 

Sa nakarating na report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Nelson Bondoc, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang impormante ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangsiwa ni PLTCOL Allan Umipig na may nagaganap na illegal gambling (tupada) sa Lapu-Lapu St. corner Alimasag St. Brgy. 12, Caloocan city.

 

 

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PMAJ Amor Cerillo saka sinalakay ang naturang lugar dakong 1:30 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Ayon kay PSSg Allan Reyes na kasama sa operation, narekober nila ang isang panabong na manok na may tari, isang patay na panabong na manok na may tari at P15,700 bet money na nakuha kay Iquiran.

 

 

Sa Malabon, naaresto naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pangunguna ni PSSg Allan Fernandez sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Vencito Cerillo si Ramon Dorado, 40, at Orlando Tumali Jr., 28, matapos maaktuhang nagsasagawa ng tupada sa Samaton St. Brgy. Tonsuya habang nakatakas naman ang iba pa.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis ang isang patay na panabong na manok na may tari at P830 bet money. (Richard Mesa)

Other News
  • Malakanyang, ipinaubaya sa Comelec ang desisyon

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdesisyon hinggil sa panukalang palawigin ang mail voting sa 2022 presidential elections.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinikilala nila ang Comelec bilang constitutional body na may atas na ipatupad ang batas at regulasyon sa pagdaraos ng eleksyon sa bansa.   Sa ulat, isinusulong […]

  • 41 close contacts ng ‘Indian variant’ cases, mino-monitor na: DOH

    Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon ng 41 pasahero na “close contacts” ng dalawang Pilipinong nag-positibo sa B.1.617 o “Indian variant” ng COVID-19 virus.     Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroong anim na close contacts ang unang kaso na galing Oman. Habang 35 ang close contacts ng ikalawang kaso […]

  • KC, nag-celebrate ng 36th birthday kasama ang pamilya ni GABBY; sa beach house inabutan ng lockdown

    SA halip magreklamo, natuwa pa si KC Concepcion na inabutan siya ng lockdown sa beach house ng amang si Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas.     Dahil sa ECQ sa NCR at apat pang bayan na malapit sa National Capital Region na hindi pa alam kung muling mai-extend para hindi pa siya makabalik sa NCR […]