• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15,331 kabataang Bulakenyo, tumanggap ng tulong pinansyal

LUNGSOD NG MALOLOS – Hanggang Agosto 20, 2021, may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ang tumanggap ng kanilang scholarship grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program.

 

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing iskolarsyip para sa 2020-2021 1st sem ay ang 3,707 estudyante mula sa Other School/Private Colleges kung saan tumanggap ang bawat estudyante ng tig-P3,500 bawat isa; 3,398 estudyante mula State, Universities at Colleges na nag-uwi tig-P3,000 bawat isa; 2,734 estudyante mula Senior High School (Public) at 1,543 estudyante mula sa Senior High School (Private) ang nakakuha ng P3,000 bawat isa; 320 esudyante ng Masteral at 40 na kumukuha ng Board Reviews ang nag-uwi ng tig-P5,000 bawat isa; 16 Academic students na mayroong tig-P5,500, habang pinagkalooban ang 3,573 learners ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na naka- enrol sa Bulacan Polytechnic College (BPC) ng ‘Katibayan ng Pagiging Iskolar’.

 

 

Ipinaabot naman ni Shulamite dela Peña, 3rd year Communication Arts na estudyante mula sa La Consolacion University, ang kanyang pasasalamat sa nasabing programa.

 

 

“Malaking tulong ang scholarship sa aming mga estudyante lalo na sa mga walang kakayahang magbayad ng tuition fee sa mga private school, gayundin sa mga mag-aaral sa public para sa mga gastusin sa mga project tulad ng thesis at iba pa,” ani dela Peña.

 

 

Samantala, ibinahagi naman ni Shirley Francisco, isa sa mga magulang ng mga iskolar, ang kanyang pasasalamat sa programa sa pamamagitan ng pag-komento sa opisyal PGB FB Page.

 

 

“Nakatataba po ng puso bilang isang ina na mapabilang ang anak sa programang ito, hindi lang po dahil sa pinansyal na tulong, mas higit po ang pakiramdam na nakaka-proud dahil ang anak ko ay nagiging modelo at inspirasyon ng kapwa niya kabataan/estudyante na nagsusumikap makapag-aral sa kabila ng pandemya. Maraming salamat po Lord. Sabi nga po ni Gob. Daniel, Ikaw ang tunay na dapat papurihan dahil may mga ginagamit kang tao para sa marami mong blessings,” aniya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go

    Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakaila­ngan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapa­lakas ang vaccine rollout.     Sinabi ni Go na kapag […]

  • Online classes sa Valenzuela kanselado ‘pag may bagyo

    KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod.   Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa pre- school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga […]

  • FILIPINO BISHOPS SASAMAHAN SI SANTO PAPA SA PAGTATALAGA SA 2 BANSA KAY MAMA MARY

    INANUNSIYO  ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na sasamahan ng mga Filipino bishops si  Pope Francis sa pagtatalaga ng Russia at Ukraine sa Immaculate Heart of Mary sa Marso 25.     Sinabi ito ng CBCP sa isang circular, na nilagdaan ng presidente nitong si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, sa gitna ng […]